Huwebes, Mayo 25, 2017

Dear blogsite...

Dear blogsite,

Pagpasensyahan mo na kung di na kita nasusulatan, di naman kita kinalimutan kahit kailan, tingnan mo nga yung draft mo nasa 70 ang nilalaman, pag may pumasok na idea dina-draft ko agad kaso nakakalimutan ko hanggang sa malipasan na ng panahon, nakakawalang gana na ipost, kumbaga sa sinaing nabantilawan na. Oh di ba parang gago lang, memapost lang pati blogsite na walang malay dinamay sa katimangan😄 pero gustong gusto ko talagang magsulat nakakalimutan ko lang dahil sa dami ng mga pinagkakaabalahan. Heto pangako ko bukas magsusulat uli ako, pramis yan 😁

Sabado, Mayo 7, 2016

Happy Mothers Day

Makulit, pakialamera, dominante, mapaghinala, bungangera, labandera, kusinera, nurse, yaya, superwoman... Yan ang karakter na kadalasan nating makikita sa mga nanay natin :D
Ang nanay ko nung nabubuhay pa


Maganda ang pagpapalaki sakin ng nanay ko, naging over protective lang cya dahil nag-iisang anak ako. Lumaki ako na nasusunod lahat ng gusto kaya naman pag di nasunod ang gusto ko sobrang sama ng loob ko at ang resulta lumaki akong maramdamin, balat sibuyas, pusong mamon...


At ngayong matanda na ako, wala na rin ang nanay ko ay saka ko lang naramdaman kung gaano kahalaga sa buhay ko ang nanay ko. Kahit na madalas kaming magtalo iba pa rin talaga ang presensya ng isang nanay. Yung kapag may problema basta alam ko na nandyan lang cya ay gumagaang ang kalooban ko, pakiramdam ko kasi ay may kahati ako sa bawat pangyayaring dumarating sa buhay ko, masaya man o malungkot ito.


Maswerte ka kaibigan kung may nanay ka pa, samantalahin mo ang panahon na nakakasama mo pa ang nanay mo. Napakahirap nang walang nanay...

Happy Mothers Day Mama
miss na miss na kita...

Biyernes, Abril 29, 2016

Era @ EAMC

Note: after 4 years na nakatengga sa draft ko naipublish din ampowta =))

Krrringggg...
era: hello?
caller: Dr. Nakan po ng East Ave Medical Center. Kayo po ba si Evelyn Castro?
era: mam Erlinda Carpio po ako at hindi Evelyn Castro
caller: ay wait lang po hanapin ko name nyo... ah heto po nandito na. Mam ask ko lang kailan po kayo huling nagpa-check up?
era:  ano po yun mam? mam choppy kayo mam pakitex nyo na lang po sakin mam!


Napaupo na lamang ako pagkatapos kong mabasa ang text message ng nasabing doktor at naibulong ko na lang sa aking sarili "pabigla bigla namang... kung kailan naman malapit na fiesta eh tsk tsk tsk...

Mahigit isang buwan din akong naghintay ng tawag at kung kailan naman hindi ko inaasahan ay saka pa ako natawagan, hindi ko naman pwedeng ikansel dahil matagal ko ngang hinintay, pero paano na ang obligasyon ko sa darating na fiesta, gahol na sa oras para sa briefing at ihabilin sa iba
ang santakruzan at pageant.

The moment of truth...

April 15,2012
DAY 1 - Araw ng admission ko sa hospital, daming laboratory test, ie dito ie dun, sakit na ng katawan ko. Bawat doctor na titingin sakin ay nagrereklamo ang kabahagi ko sa sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko ng mga oras na yun ay isa akong singsing... putangina!!! Sa wakas dinala na rin ako sa ward. Malaking kwarto na may anim na kama, apat ang okupado at bakante yung dalawa sa bandang kaliwa kapag nakatayo ka sa pinto. May bentilador sa tapat nung isang kama, sumenyas yung isang pasyente kamamatay lang daw nung dating nakahiga doon. Nagdesisyon akong pumwesto sa tabi ng pinto, di bale ng walang bentilador wag lang maging next candidate ni kamatayan... brrrrr tangina kinikilabutan ako, padilim na,  makatulog kaya ako ng maayos nito....

April 16,2012
DAY 2 -"Good morning mga mommy, (bati ng isang grupo ng mga nurse) inhale & exhale po tayo para ma-exercise ang ating mga lungs' (wala bang exercise para sa bangs sabi ko sa sarili ko) kalokah! Di ako masyado nakatulog, mayat maya may lumalapit para mag-bp at kumuha ng sample ng dugo, nalagyan na rin ako ng dextrose at maya-maya lang ay sasalinan na ko ng dugo. Naligo ako at pagkatapos ay naglakad lakad sa kwarto. Sa mahigit isang oras na pakikipagkwentuhan ay nakabuo ako ng isang grupo ng mga kaibigan, mga kapwa ko pasyente. At dahil sa masayang kwentuhan at tawanan ay laging buhay ang room 3016, tinawag namin itong Brgy 16, Kanto masyete.

April 17,2012
DAY 3 - Ikatlong bag na ng dugo ang naisasalin sakin, kulang pa raw ng isa sabi ng doctor, dedma lang ako.Bawal na raw solid food mamayang hapon, nagpabili ako sa jollibbe at nagpakabusog bago pa dumating ang oras ng bawal. 6pm dumating ang dietician, soup at gelatin ang hapunan ko... mas matindi kinabukasan tubig at candy na lang sa almusal at walang tanghalian.

April 18,2012
DAY 4 - 1pm dinala na ko sa operating room, malamig ang aircon at pagkalakas lakas ng sounds na pag-aari ng anaesthesiologist na si doc allan, kahit rockers mabait naman, hindi cya umalis sa ulunan ko at nanatiling nakamonitor sa bp ko habang akoy inooperahan, gising ako, nilabanan ko ang antok, sa recovery room na ako nakatulog. Alas dos ng madaling araw nagising ako sa kirot, tawag ako ng tawag sa mga nurse na dumadaan pero walang pumapansin sakin. Grabe na ang sakit di ko na matiis, bumwelo ako at isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko "NARSSSSSSSSSSSS! o loko de may pumansin sakin! tinandaan ko mukha ng lahat ng mga nurse at attendant na nasa recovery room. Yari kayo sakin mga putanginanyo sa isip-isip ko...

April 19,2012
DAY 5 - 9am bumangon ako at naglakad papuntang terrace, inalalayan ako ni girlie at tina, as usual, kwentuhan at sharing ng mga experience before and after ng operation, amf... ang hirap tumawa =)) Maganda naman pakiramdam ko maliban lang sa kirot ng tahi ng operasyon at sa loob ng puson ko, sa bahagi ng inoperahan... at least alam ko kung saan ako inoperahan, eh yung isang pasyente dun hindi alam kung anong opera ang ginawa sa kanya, eh kako check mo pepe mo baka isinara na =))

April 20,2012
Day 6 - 8am may lumapit na nurse 
nurse : nakautot na po ba?
era : opo dalawang beses na po
nurse : nakatae na?
era : konti lang po eh
nurse : ok lang. O sige pwede ka nang umuwi.

Sa wakas makakauwi na rin... Nagsinungaling ako sa nurse, ang totoo nyan di pa talaga ako nakautot at nakadumi....

April 21, 2012
Day 7 - maghapon na pag-aasikaso ng hospital bill. Laking bagay ng philhealth ko wala akong binayaran sa ospital, walang naging problema.
Makakauwi na rin sa wakas. Thank God nakaraos ako sa operasyon. Uwian na yehey!!!

Sabado, Hulyo 26, 2014

mic test...

Buhay pa pala ang mundo ng blog :)  mahigit isang taon na din ako walang post, maige at mabait ang blogger, nakakamiss din pala ang pagtipa...

Kamusta na kaya ang mga dating katalamitam ko sa site ni kulisap? Si kulisap nga pala, hindi na siya kulisap ngayon, lumabas na siya sa cocoon, paru-paro na siya, siya na dating... Ah ewan wag na nga lang! Sa totoo lang masaya ako para sa kanya, ang galing niya talaga, walang nabago jkulasa, ikaw pa rin ang idol ko at syempre ang mentor ko muah muah tsup tsup!!!

Ahhhh! And dami ko na palang namiss, hindi ko na mabilang kung ilang blog na ang lumampas sa paningin ko, mga blog ng mga blogger na sinusundan ko. Di ko alam kung marunong pa ba ako gumawa ng blog. Tulad pa rin ba ng dati? Yung parang nagsusulat ka lang sa isang open diary? Awarddd hahaha!

Susubukan ko... Susubukan kong muli... Pangako :)

Miyerkules, Marso 13, 2013

How Old Are You???

I'm fine thank you....

Daming benefits pag tumatanda na, gold sa ngipin, silver sa buhok at kung ano ano pa. Sa totoo lang bihira akong magkasakit mula ng maging tao ako kaya bihira lang din ako makakita ng doktor, pero ngayon madalas  na ko makipag-appointment sa kanila. Ngayon ko lang din naranasan ang mga laboratory test, ang lahat ng uri ng ultra sounds at ang pag-liyad liyad sa harapan ng xray machine, tangna sukdulang mabali ang likod ko sa kaliliyad wala man lang pakialam ang technician, two years ago nga eh nagmistulang pinitpit na luya ang dibdib ko sa sakit ng mammo. Sarap manipa ng technician na walang pakialam kung ang pasyente ba ay nasasaktan o nasasarapan sa ginagawa nila bwisit....

Pagkatapos ng isang buwang pagpapabalik balik sa ospital, heto naka-tengga at naghihintay na tawagan nila para ma-schedule for operation. "OO MAY MYOMA AKOOOO!!! tangina this...
 
Wala man lang sa hinagap ko na magkakaroon ako nito, naging aware lang ako pagkatapos maoperahan ng dalawang pinsan ko at nalaman ko na rin na ito rin ang ikinamatay ng isang tiyahin ko 3 years ago. Namamana pala ito... kadaming mamanahin eh myoma pa bwisit! Tapos pag naoperahan ka pa dito tatanggalin lahat pati matris. Eh ano pa silbi ng pekpek ko? ano pa eh di ihi na lang... wink!

At hindi lang yan, habang may nakakapa kang kung ano-ano sa katawan mo nagsasakitan naman ang mga joints mo, ang talampakan mo at ang mga daliri mo, malamigan ka lang ng konti hatsing dito hatsing doon. Kagaling kong magpayo sa iba eh ako mismo hindi maganda ang health condition...

 Sabi nang ina ko "yan ang nangyayari sa mga taong abusado sa katawan", sabi naman ni kulisap "sign of aging na yan era", sabi ko naman "lul mas matanda ka pa sakin no!" =))

Sa ganang akin, mas maige na to kesa high blood, mas nakakatakot yun! At least ako alam ko kung ano kalaban ko. Masakit sa ulo at sa bulsa pero ganon talaga, lahat tayo dumarating sa puntong kinakailangang harapin ang katotohanan, na bahagi ito ng pagsubok ng buhay, na hindi sa lahat ng oras eh malakas ka. Kung yung makina nga nasisira eh tayo pa, di naman tayo kasinglakas ng makina...

Sana lang kapulutan ng aral ng mga makakabasa, lalaki man o babae ingatan sana ang sarili. Nakakalungkot naman na sa pagbabalik blog ko ganito pa bwena mano... well thats life :)

Biyernes, Mayo 11, 2012

Ehemmm!

Mic test lang hehehe... Kamusta mga fans? kamusta na rin po ang mundo ng blogsperyo? Kamusta na rin kaya ang mga idolo kong bloggers, ang crush kong blogger at ang mga mayayabang na bloggers na akala mo eh mga kagwapuhan at mga kagalingan. Yung isa batiin mo sa facebook daig pa may pako sa leeg, walang kilala ang putang ina, nakalimutan na yata ang mga dating harutan at kulitan namin sa chat roll ni kuli...

Speaking of kuli, maraming buwan na rin ang binilang mula nung huli akong pumasok sa bahay ng magaling na kulisap, yun yung panahon na parang sinasawaan na kong magsulat, nagkasabay sabay pa ang pagdating ng mga pagsubok sa totoong buhay. Ngunit napatunayan kong ang pagsusulat pala kapag sadyang nasa puso mo eh pupuga at pupuga. Kamakailan lang ay pumagaspas ang pakpak ng kulisap at nagsaboy ng imbitasyon sa himpapawid, isa ako sa pinalad na makasalo ng imbitasyong tila ipinamunas ng sipon dahil di ko mabasa sa tuwing sisilipin ko sa aking selpon. Ngunit hindi pala, ere at malinaw pa sa sikat ng araw ang dumadagundong na KM3: Imbitasyon tara na! KM3: Tikim na!

Sabado, Setyembre 24, 2011

NASOPHARYNGEAL CARCINOMA

Matagal ko na gustong i-post ito ngunit dahil sa kulang ang aking nalalaman sa bagay na ito ay nanatili na lamang itong nakaimbak sa aking draft. At sa pagkakataong ito ay naisipan kong ituloy dahil sa kasalukuyang isyu na naging dahilan upang ako'y magkaron ng kuryosidad at maraming salamat kay "pareng googles" sa impormasyon.


Ano ba ang NASOPHARYNGEAL CARCINOMA?


Ito ang sakit na pumatay sa asawa ng aktres na si Camille Prats at kasalukuyan din itong sakit ng basketball star na si Rommel Adducul. 


Ang sakit na ito ay isang cancer na tumutubo sa itaas na bahagi ng lalamunan na nasa likod ng ilong at sa tinatawag na "auditory tubes" na siyang mga kanal na papunta sa tenga. Mas madalas itong maranasan ng mga kalalakihan sa asya at africa, kaya sinasabi na maaaring may kinalaman dito ang lahi, mga kinakain at pati na rin ang mikrobyong nalalanghap ng ilong. Ang mga sintomas nito ay bukol sa leeg, pagkawala ng pandinig, maaaring parating sinisipon o kaya'y madalas na pagdurugo ng ilong, pagbabago ng boses, pamamanhid ng mukha at matinding sakit ng ulo.  


Kadalasang nagiging sanhi nito ay maaaring namana sa isang kapamilya, pagkahilig sa pagkaing maalat, lantad sa alikabok na nagmumula sa kahoy at paninigarilyo. Ang resulta nito ay kadalasang nada-diagnose kapag kalat na. Ang bukol na mararamdaman ay maaaring yung kanser na mismo, na inaakala nating simpleng kulani lamang sa leeg na kung saan ay kumakalat ang kanser. Mahirap operahan ang kanser na ito dahil sa lokasyon, kaya ang tanging lunas na lamang ay radiation at chemotherapy. Ang layunin ng naturang therapy ay patayin ang kanser at kontrolin ang pagkalat nito. Maganda naman ang survival rate ng naturang kanser dito sa asya sapagkat malawak ang experience ng mga doktor sa paggamot sa sakit na ito. 


At isa sa kilala kong survivor ng naturang kanser ay ang aking batchmate na si Missael Sumang at ayon sa kanya ay siyang pinaka-matinding pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. Dumating sa punto na nawala ang kanyang pandinig at panlasa sa pagkain ngunit dahil na rin sa tibay ng pananalig at suportang moral ng mga mahal sa buhay ay nalampasan niya ang naturang pagsubok. 


Ang buhay natin ay mahalaga kaya pangalagaan natin ito, huwag balewalain ang mga simpleng nararamdaman sa ating katawan dahil baka ito ang maging sanhi ng maagang kamatayan...