Martes, Mayo 24, 2011

Ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal... PART I



Dekada '80, unang taon ko sa sekondarya, nabiktima ako ng mga uring mapanlinlang. Palibhasa'y hubad pa ang aking kamalayan, ang tanging nasa isip ko lang noon ay masaya ako kapag kasama sila. Tatlo hanggang apat na taon ang agwat ng edad namin na hindi halata dahil lumaki akong sagana sa bitamina, nagmumukha silang bonzai kapag kasama ako. Maliliit ang mga sukat ngunit malawak ang mga kaalaman sa panlalamang at panlilinlang. Madalas sagot ko ang lahat at bilang kapalit mistula akong prinsesa nila, tagabitbit ng aking mga dala at nauutusan kapag meron akong kailangan. Hindi ako masaling ng mga kalabang grupo dahil handa silang ipagtanggol ako kung kinakailangan. Walang kamalay malay ang aking mga magulang, napakarami ko na palang alam. Marunong na akong magpadugo ng ulo, marunong na akong magbukas ng kotse ng iba, napakagaling ko na ring magtago ng mga alahas na nanggaling sa mga biktimang tsino na pakalat kalat sa bisinidad ng binondo. Ang dami na... ang dami dami ko ng nalalaman....


Hatinggabi... sa isang sulok ng divisoria, huminto ang isang sasakyan... pamilyar na sasakyan... sasakyang malayo pa lang ay kinatatakutan na at agad magpupulasan... "Si Soriano!" ngunit wala akong balak tumakbo sapagkat inagaw ang atensyon ko ng isang pamilyar na anino na nasa loob ng sasakyan. "Sorry ma" ang tanging nasambit ko... nakatingin lang sakin ang nanay ko, hindi nagsasalita ngunit ramdam ko lahat ang mga hinanakit niya nung mga oras na yun. Namalayan ko na lang nasa presinto dos na kami, ipinahuli ako ng pinakamamahal kong ina.


Mabilis ang mga pangyayari, kinabukasan nasa manila city jail na kami, kausap ng nanay ko si Alfredo Lim na noon ay major pa lamang at kasalukuyang warden ng piitan. Ipinagbilin ako ni major lim kay mommy erlana na kasalukuyang mayora ng female section, napakaganda niya, parang si imelda marcos. Malumanay kung magsalita ngunit malupit sa mga inmate na magkakasala at lalabag sa mga alituntuning pinaiiral niya.


Bago sa paningin ko ang lahat ng mga nakikita ko, natatakot ako sa lugar na to, bagamat walang pwedeng gumalaw sakin ay naroon ang lahat ng pagsisisi, napaluha ako, hindi ako makatulog, hindi ko makain ang pagkain na ibinibigay nila sakin, Kinabukasan dumating ang nanay ko..."ilabas mo na ko dito ma ayoko dito" habang lumuluhang sabi ko. "kasalanan mo yan at saka hindi ganon kabilis ang proseso, mabuti na rin yan para magtanda ka, mas matatahimik ang isip ko kesa naman nasa labas ka."


Magtatatlong buwan na pala ako sa lugar na to... "era may vista ka! " sigaw ng kulturera, "Uy lalaya ka na pala, magpapakabait ka ha" sabi nung isang inmate. Salamat naman lalaya na pala ako pagkatapos ng vista ko, masaya akong nagbihis at pumunta sa warden office, sa bukod na sasakyan ako sasakay, walang escort at walang posas na gaya nung ibang inmate na nasa bus na bibistahan din sa araw na yun...


Nagkamali ako sa akala ko, na inaakala rin ng lahat na paglaya ko sa araw na yun. "SUSPENDED SENTENCE" ang hatol sakin ng judge at isang buwang hard labor sa piling ng mga madre. Nagngingitngit ang kalooban ko ng mga oras na yun, nagsisimulang magrebelde ang utak ko. Ang mahal kong ina nakatingin lang sakin habang kausap ng babaeng judge. Paglabas ko ng korte, sa ibang sasakyan na ako isinakay at nakita kong tangan ng isang madre ang gamit ko na ipinabibigay daw ng mahal kong nanay. Lumingon ako sa labas ng bintana, nakatingin lang cya sakin, walang mababanaag na emosyon, tahimik lang ako at nagsimula na kaming bumiyahe patungo sa lugar ng mga madre.
Kinabukasan nagising ako sa kalembang ng kampana... 'Hoy bumangon ka na jan at mag-ayos ka na ng sarili mo, pagagalitan ka ni sister kapag mabagal kang kumilos, bilisan mo magrorosaryo tayo, ganito talaga dito sanayin mo na ang sarili mo" sabi ng aking kasama sa kwarto. 


"Hail mary full of grace, the lord is with you, Blessed are you among women and blessed is the fruit of thy womb jesus... Holy mary mother of god pray for us sinners, now and at the hour of our dead..."

Lunes, Mayo 23, 2011




No matter what the problem
I'm here to hold your hand
Reaching out with kindness
You know I'll understand

In life we all have problems
It seems to be that way
We laugh and cry together
Our hearts will rule the day

You have always been there
In this very special way
In just one fleeting moment
Life's kindness heart's bouquet

Friendship has great meaning
When shared so graciously
Together now my sweet friend
We're healing constantly

In life we need each other
The love is always there
Friends in life forever
Perhaps in silent prayer

Burdens in life many
Tears in life will fall
When the world seems empty
Our shadows standing tall.

Linggo, Mayo 22, 2011

tuwing umuulan at kapiling ka...


Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

CHORUS 1:
Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
‘Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri’y magpapaalam na oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
CHORUS 2:
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi...

Sabado, Mayo 21, 2011

KAHALAYANG MALAYA

Kamakailan lamang ako natutong mag-blog, ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga ipinupost ko at kung ako nga ba'y may karapatan na tawaging blogger, kumbaga sa nag-aaral, ako ay nasa kinder pa lamang, ni hindi ko nga alam kung ano ba ibig sabihin ng URL at HTML, grabeng katangahan pero yun ang totoo. Tumipa lang talaga ang alam ko, mag-ym at mag-fb. Maliban sa 1 to 0 at A to Z hindi ko na alam kung ano-ano ba yung mga iba pang naririto sa keyboard ko. Ngunit sadyang ang buhay ay walang humpay na pag-aaral, sinaliksik ko kung ano ba meron ang gugels hanggang sa may na-klik akong isang blog na kinaaliwan ko namang basahin hanggang sa kung kani-kaninong blog na ako nakarating. Sabi ko sa sarili ko "ganito lang pala ang blog parang diary in public, para ka lang palang nakikipagkwentuhan, parang gumagawa ka lang ng documentary report", may masayang blog, may malungkot, may nambabatikos , may mga makabayan, may tungkol sa pagkain at karamihan ng mga nabasa ko puro may mga halong kalibugan. "Ibang klase" kako, pwede rin pala ako gumawa ng site ko, ala-margarita holmes ang dating, mga ganon ba... Isip uli ako, ano kaya magandang title? "erotika", "eratika", "era erotika" ano kaya? Napagdesisyunan kong eratika na lang eh kaso nung inaapply ko na bilang pangalan ng site ko ayaw namang tanggapin, napapagod na daliri ko hanggang sa mapunta ako sa eratikatik, hmmm... pwede na yan para tunog tiktik. Ayuz nakagawa na ko, problema na lang kung ano ba magandang topic, wala naman akong maisip, ahh alam ko na... magbibigay na nga lang muna ko ng tip para sa personal hygiene. Bukod doon at sa dalawang blog na kaemohan at isang maigsing joke ay di na nasundan, balik fb uli ako...
Pero hindi talaga ako mapakali , para akong hinahatak sa mundo ng blogsperyo, hindi ko maintindihan dahil wala naman ako maisip na i-post  Nakuntento na lamang ako sa pagbabasa ng blog ng iba hanggang mapasok ko ang site ni jkulisap. Marahil ay lukso ng dugo sa kapwa insekto, naaliw akong basahin ang mga blog niya kasi bukod sa tagalog eh may isinisingit pang humour (kadalasan toilet humour brrrr ), sinusuyod ng mata ko ang kuta ni kulisap mula sa simula pababa, na halos di ko na maaninag dahil sa dami ng mga paniking lumilipad, pinag-aaralan kong maige eh natanaw ko ang logo ng fb, aba kako  marunong din pala mag-fb ang mga kulisap hehehe...ni-add ko, ni-accept ako, friends na kami, tambay na ko lagi sa site niya na parang sikyu gaya ni joey velunta. Sabi ni kulisap bat di ko daw ituloy ang pagba-blog, hayun nahikayat naman niya ako, "SALAMAT POW!!! Wala cyang kamalay malay na ako ay dati ring insekto, isa akong bubuyog noon, hayan ang piktyur ko o pagmasdan nyo hehehe... Kailan lang inalis ang sumpa sakin at muli akong ibinalik sa pagiging tao...


At dahil nga sa nahihiya ako at hindi masyadong excited sa pagtipa, halos everyday may post ako, walang kagana gana... Kung ano maisip tinitipa ko agad at itinatabi sa draft. Sa kaiikot ko sa iba't ibang site napagtanto ko na karamihan sa mga blog ay hindi nawawala kahit munting kahalayan. may lalabas at lalabas kahit papaano, kumbaga sa pagkain eh ginagawang pampalasa, hindi nga naman boring kapag binasa. Ito ba yung tinatawag na malayang pamamahayag o kahalayang malaya? just asking... :)

Biyernes, Mayo 20, 2011

POLYGAMOUS by nature daw???



Polygamous by nature daw ang mga lalaki? hmmm... Yung iba naman pinangangatawanan na lang ang salitang yan eh dahil nakakadagdag daw ng pagkalalaki. Datapwat may mga pangangailangan at kahinaan ang mga lalaki na sa ayaw at sa gusto nating mga babae ay dapat nating intindihin. Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga lalaki sa hindi nila asawa/gf. Una na ang pisikal na pangangailangan, mas mataas kasi ang libido ng mga lalaki kaya pag nakakakita sila ng mga babaeng sexy ay agad nilang pinapantasya kesehodang nasa jeep pa sila o ano man ang pinagkakaabalahan. lalo na kapag nakakita sila ng naghihimutok na cleavage naku po... Ikalawa kapag naririndi na sa asawang bungangera na eh ubod pa ng selosa, katwiran eh tutal pinagbibintangan na eh di gawin na...ayuz no! Ikatlo ay mga hindi sinasadyang pagkakataon tulad ng nabuyo lang ng kaopisina or nasalubong yung dating karelasyon nung cya ay binata pa. Ika-apat, mga lalaking galante na handang gumastos para sa kanilang "sexual urges". 


Ngunit ano pa man ang sabihin, may mga lalaki pa rin namang solid sa asawa. Mas gusto pa rin nilang makasama sa pagtanda ang babaeng pinakasalan nila. In fairness... (baka isipin ng mga kalalakihan inaapi ko sila) Gaano man ang pagkahilig nila sa laman eh marunong naman sila magmahal. Gaano man ka-playboy ang lalaki ay meron ding namumukod tangi para sa kanila at yun yung nasa puso nila, yung iba hanggang puson lang, pag nailabas na nila wala lang, parang umihi lang. Ang pambababae nila ay parte lang "daw" ng kanilang learning sexperience at ego expression. Para sa kanila ang pambababae ay past time lamang, parang komiks lang... tsk tsk tsk...

Kaya nga sa mag-asawa kapag kinutuban si babae o may nakitang kakaibang bakas kay mister, kahit ano pa gawin ni misis hinding hindi umaamin si mister, kasi nga mahal niya ang misis niya. Sa mag-boyfriend ganon din, habang binata pa kasi ay tiyak na magpapakasawa yan erect dito erect dun, later on select naman.



In the end babae pa rin ang talo, lalo na ang babaeng nagmahal sa maling pagkakataon. Bakit kaya di natin baliktarin ang sitwasyon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng lalaking niloloko o kaya sabihin din nating "ay wala yan past time ko lang yun, ikaw naman ang totoong mahal ko eh" ang sagwa di ba? Lalo na sa kulturang pinoy, pag ang lalaki ang nambabae ok lang walang kaso, lalaki yan eh walang mawawala pero pag ang babae na ang nanloko, ano impact? ikinahihiya ng pamilya dahil malandi daw, bagamundo, makati, etcetera, may kasama pang bugbog. Wala...sadyang talo talaga...


Ngunit...subalit... hindi naman lahat ng lalaki ay ganon kalupit, depende rin kasi yan sa kinamulatan, sa breeding, sa lifestyle, sa karakter at sa edad. Syempre pag bata pa medyo mapusok kumpara sa matured na, kumbaga kaya na magkontrol ng sarili o kaya ay nagsawa na o namimili na. Kapag nagkakaedad na kasi sila ay nag-iiba na rin ang pamantayan nila pagdating sa sex or nababawasan na ang horse power ni manoy...


Narito ang age bracket para sa mga kalalakihan...


teen to 21- nag-eexperiment pa lang sa sex
22 to 30 -- kainitan/katakawan sa sex
31 to 40 -- mga naliligaw ng landas dahil sa pressure sa problema sa   
                  pamilya kaya naghahanap ng outlet 
41 to 50 -- certified member ng sosyology inc.
51 to 60 -- status symbol na lang (masabi lang na kaya pa)
61 to 70 -- dedo na o kaya naistrok


Huni nung lalaking insekto , pantay daw ang kahalagahan ng babae at lalaki sa mundo. Ano? Sa kama pantay oo pero ang pantay na kahalagahan eh asan? Pantay ba naman yung magba-butterfly kayo at dadapo sa kung saan saang bulaklak? sowwwws nya iroy....

Huwebes, Mayo 19, 2011

LALAKI paubos ka na nga ba?

Weeeh di nga? =))
Dati rati mga kapwa babae lang ang kahati sa pagmamahal ng lalaki pero ngayon lalaki na rin ang kadalasang nagiging karibal. Di ko na malaman ngayon kung sino ang fake at tunay na lalaki kasi mga lalaki ngayon nagpupulbo na rin at naglolotion, mga metikuloso na rin. Tinatanong ko ang sarili ko... ito kaya ay bahagi ng kanilang pag-unlad bilang tao? O di kaya ito'y isa lamang sa resulta ng climate change?


Nababahala ang kababaihan sa kakaibang kalamidad na kasalukuyang nangyayari ngayon saang panig man ng mundo. Darating ang araw na idyi-generalized na ang batas tungkol sa "sosyology", lahat ay bibigyan na ng karapatang sumosyo bwahahaha=)) lakas naman makalukring neto =))
At sapagkat sila ay "endangered specie" na kaawa-awa ang sasapitin ng mga kalalakihan sa darating na mga araw, pag nagkataon sila na ngayon ang magiging biktima ng rape "wag po ate wag po" at sila na rin ang liligawan at haharanahin. Tutal paubos na rin lang sila, sana sila na rin ang magbuntis at manganak =))


SERYOSO....just a matter of realization, no offense sa mga 3rd sex. Hindi lamang sa literal na pagkaubos ng tunay na lalaki ang nangyayari ngayon. Bakit kamo? Hindi bat bihira na lang ngayon ang lalaking magagalang? Wala na silang masyadong pakialam ngayon sa mga babae pisikal man o emosyonal. Halimbawa na lang sa mga pampublikong sasakyan, bihira na lang ang  lalaking nag-aalok ng upuan sa mga babae. Subukan mong sumakay ng bus o mrt/lrt lalo na kung rush hour, pag minalas malas tsatsansingan ka pa, mangagawit ang singit mo sa kakatayo walang magpapaupo sayo, dedma lang, yung iba naman nagtutulog tulugan. Well... maliban na lang kung ikaw ay sexy at oozing w/sex appeal na gaya ko eh siguradong may magpapaupo sayo, yung iba baka kandungin ka pa. Ganon eh, kapag maganda ka at medyo angat ka sa iba  saka mo lang mararamdaman ang pagpapahalaga nila sayo, lalo na kung sila ay atrakted sayo at gusto kang makasiping, lahat ng pambobola mararanasan mo. Bilang babaeng sumasampalataya sa pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan hinahanap hanap ko pa rin ang  nakakakilig na paglalagay ng lalaki sa babae sa pedestal. Ang tanong ko lang naman eh asan na nga ba kayo? Nasaan na ang tunay na kahulugan ng salitang LALAKI?

Miyerkules, Mayo 18, 2011

eka ni inday "FIRST LOVE NEVER DIE...

Minsan sa isang "imaginary session" nakaharap ko si inday, nakow kalakas uminom ng hitad, kabilis tumagay eh! Kapag yun ang kainuman mo tiyak na magrireklamo ang bahay alak mo dahil wala pang sampung minuto lango ka na. Kalakas pang mamulutan hehehe... Tanong niya sakin nung may tama na..."erakoy balita ko blogger ka na? blog mo naman love story ko hik! ewan ko ba bakit di ko makalimutan ang pers lab ko hik! Eh pano mo kako makakalimutan, sukat ipalilok mo sa puso mo yung kumag na yun."


Isip isip isip... wala.. talagang ayaw gumana ng kaisipan ko, eh pano naman di ko naman naranasan magkaron ng pers lab kaya wala ako idea kung ano ba pakiramdam nun... subukan ko na lang kaya itula...


                               Ang tange kong pag-ibig.....
                              
                               Sa tuwing ako'y nag-iisa
                               Ikaw ang laging naaalala
                               Mga pangarap noon na kay ganda
                               Bakit biglang naglaho na...
                               
                               Kapag mata ay nakapikit
                               Ikaw ang tanging naiisip
                               Hanggang sa aking pag-idlip
                               Ikaw ang laging panaginip...


                               Nawala man ang yakap 
                               Na dati ay kay higpit
                               Nawala man ang halik
                               Na dati ay kay init...

                               Hinding hindi ko ipagpapalit
                               Pag-ibig ko sayo kahit saglit
                               Lahat ng iniwan mong alaala
                               Buong buhay ay siyang kasama...


                               Naaalala mo pa ba dudung
                               Noong tayo ay high school pa
                               Madalas nating baybayin
                               Ang recto at morayta


                               Kinakain ko ay donut
                               Habang sayo naman ay choknut
                               Puso ko'y anong galak
                               Kahit wala man lang panulak 


                               Anong saya anong ligaya
                               Kapag ikaw ang siyang kasama
                               Tunay ngang mahal kita
                               At wala ng hahanapin pa


                               Ngunit tadhana ay nagbiro
                               Tayong dalawa'y pinaglayo
                               At ng muling pinagtagpo
                               Tigidig tigidig eka ng puso...


                               Salamat sayo facebook
                               Sa talas ng iyong gulok
                               Ako at ang dating kasuyo
                               Sa iyo muling nagpanagpo...
   
"It's just that i recall somethin i was small, someone promises they catch me
and  then they let me fall and now i'm fallin, fallin fast again
why do i always take a chance when i fall in love.....



Pag-ibig daw ang pinakamalakas na emosyon ng isang tao, madalas mas marami tayong nagagawang mga bagay ng dahil lang sa pag-ibig, sabi nga eh "hahamakin ang lahat masunod ka lamang" ngunit hindi ito basta basta na lamang kinukuha o ibinibigay, nangangailangan din ito ng tiyaga. Ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung ano ang meron ka at ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang karapat dapat...


Sabado, Mayo 14, 2011

TANGING INA PARA SA NATATANGING ANAK...

Alay sa isang kaibigan...


Sa isang inang nagdurusa sa kakaibang kalagayan ng kanyang mahal na anak, napakahirap... ngunit dahil sa kanyang pag-ibig at tibay ng pananampalataya, magagawa niya ang lahat upang maging malakas at matatag...upang maitaguyod ang anak na pinagkaitan ng kalayaang makihalubilo sa mundo ng reyalidad. Ano pa man, ito ay biyayang kaloob sa kanya ng maykapal...


Isang batang pagal ang pakiramdam sa mga hamon ng buhay 
isang batang sa simula pa lamang ay nais nang takasan ang katotohanan
isang batang walang pakialam sa mapanuring lipunan
isang batang may sarling mundo...


Kung susuriing mabuti, mapalad ang batang ito sapagkat hindi niya nararamdaman ang bawat dagok ng buhay. Hindi niya nararanasan ang mga kasinungalingang dulot ng mapanghusgang lipunan. Hindi niya mauunawaan ang ano mang sasabihin mo laban sa kanya, ngingiti lamang cya sa iyo sapagkat yun ang naaayon sa kanyang munting mundo...


Ano ba ang damdamin ng lipunan sa mga batang may ganitong uri ng kapansanan? Marami sa atin ang nagtatawa kapag nakakakita ng batang kakaiba ang kilos, iniiwasan at pinandidirihan na tila may sakit na nakakahawa. Sadya bang may mga taong kumpleto sa pag-iisip ngunit salat naman sa pang-unawa? TAO, baka nakakalimutan mo, sila man ay lalang ng diyos at bahagi rin ng lipunang ginagalawan mo. Baguhin mo ang pananaw mo, wag kang magtawa sapagkat sa darating na mga araw maaaring mangyari din sayo ang sakit at hirap ng kalooban na nararanasan ng magulang ng batang ito...

OB-GYNE student (OJT) sa EAST AVE. MED. CENTER finger dito finger dun...

Yan ba turo sa inyo ng professor nyo, ang mamingger ng mamingger ng mga babaeng pasyente?


April 27,2011 bumalik ang kaibigan ko sa EAMC para dalhin ang resulta ng ultra sounds. Bumiyahe ng madaling araw mula san jose del monte bulacan makarating lang ng maaga sa ospital. Pagdating niya number 4 cya sa pila, hanggang sa dumami na sila. Mula ala sais ng umaga naghintay cya hanggang ala una, sa wakas natawag rin ang pangalan niya. Positive ang resulta, may myoma cya. Maya maya pa may pumasok na anim na inakala niyang mga doktor nung una. Salitan ang anim na "doktor" sa pag-fingger sa kanya, masakit na ang bahaging yun ng katawan niya pero di niya magawang magreklamo dahil gusto niyang gumaling, inaakala niyang  normal na proseso lang yun at bahagi ng check up sa kanya. Alas kwatro ng hapon sinabi sa kanyang i-aadmit cya dahil kulang daw cya sa dugo, kailangan niyang masalinan sa lalong madaling panahon pero ang siste, sa pasay pa daw mabibili ang dugong isasalin sa kanya. Wala naman cyang kasama ng mga oras na yun dahil di naman niya alam na ganon ang magiging sitwasyon. 


Nagtaka ako base sa kwento niya, naisip ko.... nalalaman na pala ngayon sa pamamagitan ng pag-finger kung kulang sa dugo ang isang pasyente... ibang klase.... may bagong paraan na pala ngayon ng pagbi-BP... pusang inesss!!!


Alas syete ng gabi wala na yung anim na pumingger sa kanya, may mga sumisilip at lumalapit sa kanya na hindi niya malaman kung sino ang totoong doktor at kung sino ang estudyante, mga bagong mukha na, nagpalit na siguro ng shift...Nag-alala cya baka dalirutin na naman cya ng mga bagong mukha na yun, tumayo na cya at nagbihis, dire diretsong lumabas at nagmamadaling lumayo sa ospital. Na-trauma ang pobre, sumumpa sa sariling hindi na uli babalik pa sa nasabing ospital.


Kinaumagahan nagising cyang masakit ang puson at hirap umihi, binalisawsaw ang kawawa kong kaibigan. Nagpunta cya sa center para humingi ng gamot, nagpa-BP na rin... ang resulta 120 / 90, normal at hindi kulang...


Actually dyan sa ospital na yan ko ipinanganak ang aking unica iha maraming taon na ang nakalipas. Hindi dahil sa kakapusan kundi dahil espesyal ang kaso ko, mula sa V. Luna Hospital ay itinakbo ako sa EAMC dahil lalabas na ang anak ko at kakailanganin niya ng incubator. Kapag nasa ospital ka di mo malalaman kung sino ang doktor at kung sino ang estudyante dahil halos isa lang ang kulay ng uniporme. Naka-encounter din ako ng isang bastos na ob-gyne na kung di lang ako nakapagpigil eh baka nasipa ko sa mukha...


Bagamat may mga matitinong nurse at doktor na maganda ang trato sa pasyente, meron ding bastos at walang respeto sa karapatang pantao. Ganito ba talaga ang kalakaran sa mga pampublikong ospital? Kaya nga tayo may pagamutan para sa mga mahihirap na pilipino na minalas lang magkasakit eh matatapat pa sa mga estudyanteng wala namang modo , na nagsasamantala lang sa mistulang baboy na pasyente, Dobleng pahirap pa tuloy ang naranasan ng kawawa kong kaibigan, Hirap ng bulsa at kaisipan dahil sa sakit na natuklasan at hirap ng kalooban dahil sa masamang karanasan...

ONE NIGHT STAND w/ ERA

Last august naimbitahan ako sa isang solidarity night sa isang hotel jan sa antipolo. Past 1 na natapos yung kasiyahan, marami pa namang masasakyan at may kasabay naman ako hanggang ali mall. Naghiwalay na kami pagbaba at naglakad ako papuntang aurora blvd. Biglang bumuhos ang ulan na kanina pa nagbabadya, lampas na ko sa terminal ng bus, wala ako choice kundi sumilong sa maliit na waiting shed. May lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko. "Anak ng... dito pa pumwesto tong kumag na to" sa isip isip ko. Panay lingon nung lalaki sakin, di ko malaman kung nalalakasan sa apil ko o gustong humingi sa kinakain ko. Di naman cya mukhang gutom at in fairness, may itsura ha. Tagal tumila ng ulan, buti na lang walang kasamang malakas na hangin,, Dasal ko sana may dumaan ng byaheng lagro. Basa na laylayan ng pantalon ko pati rubber shoes ko, pareho kami nung lalaking walang tigil sa kalilingon sakin, kaka-konpyus naman tong mama na to... pasimple kong nilabas ang salamin ko at tiningnan ko kung ano ba itsura ko, hindi naman ako mukhang nagbebenta ng aliw, bat di nalang kaya cya pumunta dun sa harap ng ACT theatre kung naghahanap cya ng ligaya, ang cheap... Pasado alas tres na pala masakit na binti ko, mahigit dalawang oras na ko nakatayo. May parating na jeep byaheng philcoa lang, huminto sa tapat namin. Biglang nagsalita yung lalaki nakangiti "maiwan na kita miss salamat sa one night stand!" Impaktong yun....#&%$^@!!!!

Huwebes, Mayo 12, 2011

BABAE... nang makabagong panahon

Ang paglabas sa kahon ay hindi nangangahulugan ng pagwawala, bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao, bahagi ito ng ating pagkamulat tungo sa reyalidad. Noon madalas na inihahalintulad ang babae sa kalikasan, sabay na pinagsasamantalahan ang kalikasan at kababaihan. Sa patriyarkiya ang babae ay inihahalintulad kay maria clara, paloob na pag-iisip... mistulang talunan...


May naalala akong kwento tungkol sa isang dalagang nagmula sa angkan ng mga relihiyoso at konserbatibo. Atas marahil ng kuryosidad, ang dalaga ay humarap sa salamin ng hubot hubad, umikot ikot at tumuwad tuwad, nagulat nang mabuglawan ng kanyang ina sa ganong itsura. Nagbihis ito ng hindi nagsasalita, alam niya na ang susunod na eksena, 3 ama namin, 3 aba maria at 3 santa maria ang kaparusahan sa ginawa niya.


Bilang babae sa kasalukuyan, hindi hadlang ang pagiging moderno sa mga lumang nakagawian, Hindi komo nakasuot ng short at spaghetti strap ay di na virgin. Hindi komo maharot at malakas tumawa ay malandi na, masayahin lang siguro yung tao. Unfair sa mga modernong kababaihan na husgahan ng dahil lang sa makapal ang lipstik nito at pakendeng kendeng kung maglakad. Eh ano ba magagawa nyo kung talagang sexy kami? Ano ba pakialam nyo kung labas ang likod at pusod namin? Di naman kayo ang malalamigan...


Sa mga babaeng tulad ko ito ang tandaan nyo, palayain nyo ang sarili nyo, lumabas kayo sa kahon at ipakita sa mundo ang kagandahan at kakayahan ninyo. Wag kayong matakot na ipahayag kung ano ang nararamdaman nyo. Hindi natin kailangang makipag kumpitensya sa mga kalalakihan. Ang lalaki ay minamahal at hindi kinakalaban, igalang natin pero hindi dapat katakutan. Kung kaya nilang manligaw eh kaya din naman natin. Paano kung torpedo yung lalaking gusto mo? Mapapanis ka neng, kahit maglupasay ka hindi yan gagawa ng move. Lakasan mo loob mo o kaya uminom ka ng isang basong matador, pag bangenge ka na aylabyuhin mo na, ganon lang kasimple. Wag kang mag-alala dahil hindi kabawasan sa pagkababae ang sabihin sa lalaking napupusuan mo na gusto mo cya, make sure na hindi mababalahura ang pagkababae mo...

Miyerkules, Mayo 11, 2011

MAY FREE TASTE BA SA PAG-IBIG?

Ano?   Umiibig ka na naman? Awwwts...

Napakaraming mukha ang pag-ibig, alin kaya dun ang pag-ibig mo? May pag-ibig ba talaga sa mundong ito? Napatunayan na ba ng science na may pag-ibig? Hindi ba't sa puso nagmumula ang pakiramdam na ito eh bakit yung iba nagpapahula pa sa quiapo para lang malaman kung may darating na pag-ibig? Yung iba aalamin pa horoscope nila for the day tungkol sa pag-ibig? Alin ba talaga ang dapat paniwalaan, yung manghuhula, yung horoscope o yung sinasabi ng puso? Ang guloooo...

Ano ba ang espesyal sa pag-ibig, bakit sa tuwina na lang eh hinahanap hanap natin ito? Hindi naman assurance yung pag inlove ka eh sasaya na ang buhay mo to the maximum level. Marami nga jan ang broken families, hiwalay, may kabit, nagulo ang buhay dahil sa maling pag-ibig. Parang nag-sawa na yung iba sa happy ending kaya kumakabit na lang, mas may thrill nga naman. At least sila nag-iibigan kahit nakikisosyo lang eh ikaw, naiiwan ka na sa ere neng at nag-iisa sa tunay na buhay....

Napakaraming komplikasyon ang pag-ibig, daming nasasayang na luha at salita pero hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang katanungan ng nakararami kung bakit natin kailangang umibig. Bakit nga ba? Aba eh anong malay ko....
Diyata't mas mainam kung FREE TASTE na lang, wala ka pang iintindihin, wala ka pang poproblemahin. parang nasa supermarket ka lang, titikim ng FREE TASTE at reresbak pag nasarapan, lilipat naman sa iba kapag hindi nagustuhan. Ayos ah parang robot lang, walang damdamin.... Meron nga bang FREE TASTE  pagdating sa pag-ibig???  Haler!!!

Martes, Mayo 10, 2011

NAKAKATUWA NAMAN =))

Naaliw ako ng sobra ngayong araw na to, maghapon ako tumambay sa site ni kulisap, sakit tiyan ko sa kakatawa. Nadagdagan na naman ang bagong kakilala at may natutunan na rin ng konti (kung pagkatuto ngang matatawag yun hehehe...) Iba ibang pangalan, iba iba rin ang karakter, feeling ko nawiwindang sila sakin pag bumabanat ako ng eksreyted. Kung alam lang nila nahihiya pa ko nun waaahahaha =)) =)) =)) Bagong karanasan para sa isang adik na tulad ko. Di ko man lang naisip noon na magkakainteres ako sa pagba-blog, feeling ko kasi noon para lang sa mga intelektwal ang blogsite, pwede rin pala sa isang hunghang na tulad ko, akalain mo yun...

Nakakatuwa kasi talagang tuwang tuwa ako as in...
Nakakatuwa kasi naibabahagi ko na ngayon ang laman ng puson at damdamin ko
Nakakatuwa kasi napag-alaman ko mababait pala ang mga bloggers, hindi sila nagmamaganda
Nakakatuwa kasi kahit alam kong malaman sila hindi sila nagmamagaling...

Isa lang ang di nakakatuwa.... nasunog ang sinaing ko dahil sa sobrang tuwa ko waaa : (

Lunes, Mayo 9, 2011

MUSCLE CONTROL dilisyus daw???

Masarap nga daw sabi ng ex ko, para daw cyang hinihigop pailalim, nahugot na't lahat eh nararamdaman pa rin daw niya, malay ko naman... Ano nga ba ang muscle control? lahat tayo ay meron nito at araw araw natin itong ginagawa ng hindi natin namamalayan, bahagi ito ng galaw ng katawan natin, sa parte ng katotohanan at kasinungalingan. Kapag umebs o dyuminggel tayo ay gumagana ang muscle control natin. At kapag ginamit ito ng babae sa pakikipagseks, tiyak sasabihin sa kanya ng jowa niya, "will u marry me?" Sa ating mga babae hindi mararamdaman yun pero napakalaking factor para mabaliw sayo ang lalaki, lalo na kung ang lalaki ay nasa puson ang utak =)) Talent ito para sa ating mga babae, kailangan lang na ipraktis ng mabuti ng hindi lang doon naka-focus ang atensyon mo habang nagsi-seks kayo ng partner mo.