Sabado, Mayo 21, 2011

KAHALAYANG MALAYA

Kamakailan lamang ako natutong mag-blog, ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga ipinupost ko at kung ako nga ba'y may karapatan na tawaging blogger, kumbaga sa nag-aaral, ako ay nasa kinder pa lamang, ni hindi ko nga alam kung ano ba ibig sabihin ng URL at HTML, grabeng katangahan pero yun ang totoo. Tumipa lang talaga ang alam ko, mag-ym at mag-fb. Maliban sa 1 to 0 at A to Z hindi ko na alam kung ano-ano ba yung mga iba pang naririto sa keyboard ko. Ngunit sadyang ang buhay ay walang humpay na pag-aaral, sinaliksik ko kung ano ba meron ang gugels hanggang sa may na-klik akong isang blog na kinaaliwan ko namang basahin hanggang sa kung kani-kaninong blog na ako nakarating. Sabi ko sa sarili ko "ganito lang pala ang blog parang diary in public, para ka lang palang nakikipagkwentuhan, parang gumagawa ka lang ng documentary report", may masayang blog, may malungkot, may nambabatikos , may mga makabayan, may tungkol sa pagkain at karamihan ng mga nabasa ko puro may mga halong kalibugan. "Ibang klase" kako, pwede rin pala ako gumawa ng site ko, ala-margarita holmes ang dating, mga ganon ba... Isip uli ako, ano kaya magandang title? "erotika", "eratika", "era erotika" ano kaya? Napagdesisyunan kong eratika na lang eh kaso nung inaapply ko na bilang pangalan ng site ko ayaw namang tanggapin, napapagod na daliri ko hanggang sa mapunta ako sa eratikatik, hmmm... pwede na yan para tunog tiktik. Ayuz nakagawa na ko, problema na lang kung ano ba magandang topic, wala naman akong maisip, ahh alam ko na... magbibigay na nga lang muna ko ng tip para sa personal hygiene. Bukod doon at sa dalawang blog na kaemohan at isang maigsing joke ay di na nasundan, balik fb uli ako...
Pero hindi talaga ako mapakali , para akong hinahatak sa mundo ng blogsperyo, hindi ko maintindihan dahil wala naman ako maisip na i-post  Nakuntento na lamang ako sa pagbabasa ng blog ng iba hanggang mapasok ko ang site ni jkulisap. Marahil ay lukso ng dugo sa kapwa insekto, naaliw akong basahin ang mga blog niya kasi bukod sa tagalog eh may isinisingit pang humour (kadalasan toilet humour brrrr ), sinusuyod ng mata ko ang kuta ni kulisap mula sa simula pababa, na halos di ko na maaninag dahil sa dami ng mga paniking lumilipad, pinag-aaralan kong maige eh natanaw ko ang logo ng fb, aba kako  marunong din pala mag-fb ang mga kulisap hehehe...ni-add ko, ni-accept ako, friends na kami, tambay na ko lagi sa site niya na parang sikyu gaya ni joey velunta. Sabi ni kulisap bat di ko daw ituloy ang pagba-blog, hayun nahikayat naman niya ako, "SALAMAT POW!!! Wala cyang kamalay malay na ako ay dati ring insekto, isa akong bubuyog noon, hayan ang piktyur ko o pagmasdan nyo hehehe... Kailan lang inalis ang sumpa sakin at muli akong ibinalik sa pagiging tao...


At dahil nga sa nahihiya ako at hindi masyadong excited sa pagtipa, halos everyday may post ako, walang kagana gana... Kung ano maisip tinitipa ko agad at itinatabi sa draft. Sa kaiikot ko sa iba't ibang site napagtanto ko na karamihan sa mga blog ay hindi nawawala kahit munting kahalayan. may lalabas at lalabas kahit papaano, kumbaga sa pagkain eh ginagawang pampalasa, hindi nga naman boring kapag binasa. Ito ba yung tinatawag na malayang pamamahayag o kahalayang malaya? just asking... :)

2 komento:

  1. Nawala ang moment ko sa pagkoment.

    Blog lang nang blog Mam Era.

    Ikaw pa!

    TumugonBurahin
  2. guilty ako.... hahahaha!! welcome (back)!!

    TumugonBurahin

perfect : )