Miyerkules, Mayo 11, 2011

MAY FREE TASTE BA SA PAG-IBIG?

Ano?   Umiibig ka na naman? Awwwts...

Napakaraming mukha ang pag-ibig, alin kaya dun ang pag-ibig mo? May pag-ibig ba talaga sa mundong ito? Napatunayan na ba ng science na may pag-ibig? Hindi ba't sa puso nagmumula ang pakiramdam na ito eh bakit yung iba nagpapahula pa sa quiapo para lang malaman kung may darating na pag-ibig? Yung iba aalamin pa horoscope nila for the day tungkol sa pag-ibig? Alin ba talaga ang dapat paniwalaan, yung manghuhula, yung horoscope o yung sinasabi ng puso? Ang guloooo...

Ano ba ang espesyal sa pag-ibig, bakit sa tuwina na lang eh hinahanap hanap natin ito? Hindi naman assurance yung pag inlove ka eh sasaya na ang buhay mo to the maximum level. Marami nga jan ang broken families, hiwalay, may kabit, nagulo ang buhay dahil sa maling pag-ibig. Parang nag-sawa na yung iba sa happy ending kaya kumakabit na lang, mas may thrill nga naman. At least sila nag-iibigan kahit nakikisosyo lang eh ikaw, naiiwan ka na sa ere neng at nag-iisa sa tunay na buhay....

Napakaraming komplikasyon ang pag-ibig, daming nasasayang na luha at salita pero hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang katanungan ng nakararami kung bakit natin kailangang umibig. Bakit nga ba? Aba eh anong malay ko....
Diyata't mas mainam kung FREE TASTE na lang, wala ka pang iintindihin, wala ka pang poproblemahin. parang nasa supermarket ka lang, titikim ng FREE TASTE at reresbak pag nasarapan, lilipat naman sa iba kapag hindi nagustuhan. Ayos ah parang robot lang, walang damdamin.... Meron nga bang FREE TASTE  pagdating sa pag-ibig???  Haler!!!

4 (na) komento:

  1. Bilang pinaniwala at nakatira sa konserbatibo daw na bansa, kapag lumagpas sa pamantayang moral ang isang gawain ng tao, IMORAL na ito.

    Nandiyan ang simbahan, ang mga moralista at mga manunuri. Subalit ano ba ang kasiyahan at pag-ibig? Ano ba ang sakit dulot ng pag-ibig?

    Ang pag-ibig ay sosyology.

    Seriously, bawat araw na inilalagi ko nais kong lawakan ang aking kaalaman tungkol sa human existence, kasama na riyan ang usaping puso.

    Ang tanong mo may Free Taste ba? Kung nais natin tawagin ang sandaling pag-iibigan pagkatapos ay wala lang, marahil.

    Sabi nga ni Joey, mag-iwan ka ng marka na babalikan ka. 'Yon na.

    To end this, walang nagbabawal na magmahal at ipamahagi ito. May puso para dumama, at may utak para tumimbang kung lagpas o kulang ang hinihingi.

    :)

    TumugonBurahin
  2. salamat sa pagdaan kulisap, hindi mo lang madiretsa pero may posibilidad na sa free taste magsimula ang isang kaayaaya at wagas na pag-iibigan, ganon ba? oissst free taste kayo jannn....

    TumugonBurahin
  3. Agang pambungad sa akin ito. hahaha nice read ika nga.

    Alam mo ba era kung bakit naghihirap ang Pilipinas?

    Kasi nagmamahalan. Nagmamahalan ang mga tao sa Pilipinas. At dahil sa sobrang pagmamahal di na kayang arukin. Naghahalo na ang pangangailangan at kagustuhan.

    Walang free taste dito. Lahat may kabayaran. Oo nga't mabubusog ka sa pa-free taste free taste na yan pero sa bandang huli o sa una palang meron ka na agad isinasakripisyo.

    TumugonBurahin
  4. Good morning ka joey. sadyang iba-iba nga ang opinyon ng bawat tao pagdating sa pag-ibig at ito ang dahilan kung bakit may mga relasyong sumisemplang bagamat ang iba ay nakakatsamba rin naman at ang iba ay pinangangatawanan na lamang dahil sa alalahaning mas marami ang masasaktan...

    TumugonBurahin

perfect : )