Martes, Hunyo 21, 2011

KAIBIGAN... hanggang saan?



Kaibigan... ano nga bang klaseng kaibigan meron ka? in good times and bad times ba? dumating na ba sa puntong lahat ng sikreto mo ay alam niya na? Mapagkakatiwalaan ba siya sa lahat ng pagkakataon? Maswerte ka kung ganyan ang kaibigan mo... eh paano kung ganito?


-- nakangiti pag kaharap ka ngunit pagtalikod mo kung ano-ano pala sinasabi sa iba
-- kasama mo sa happenings, sa halakhakan, sa harutan sa asaran ngunit pagtalikod mo 
    ay ikaw na pala ang kanilang pinag-uusapan at pinagtatawanan
-- lahat ng papuri ay maririnig mo sa kanya ngunit inuuto ka lamang pala
-- sa kabila ng pagiging totoo mo ay madidiskubre mong pinaplastik ka lamang pala niya


Masakit di ba? kasi nagtiwala ka. Ang kaibigan pala parang bf din, nangangailangan ng commitment, nangangailangan ng sakripisyo, kalangan mong magtiwala, kailangan mong maniwala, mga sangkap para tumibay ang isang tunay na pagkakaibigan. May mga relasyong may sangkap ng pagkakaibigan tulad ng mag-asawa, mag-boyfriend, magkapatid, mag-ina at mag-ama, isang advantage na nagpapatibay ng friendship. May kaibigang simula pa sa pagkabata, elementary, high school at college. May kaibigan sa inuman lang. may kaibigan na kaya mo lang nasabing kaibigan ay dahil nauutangan mo. May kaibigan sa facebook lang. Iba't ibang level at aspeto ng pagkakaibigan, ano man ang meron ka dito ay pahalagahan mo sapagkat doon nagsisimula ang isang matibay na pundasyon tungo sa makabuluhang pakikipagkaibigan... Ikaw na nagbabasa nito, kilala mo ba kung sino ang kaibigan mo???

5 komento:

  1. Kaibigan lang pala. =)

    A friend divides grief and multiplies joy. Madalas kong sinasabi na ang isang tunay na kaibigan ay ang mga kaibigang kayang sabihin kung may kulangot ka sa ilong.
    Mas nanaisin ko pa na magkaroon ng true friend kumpara sa best friend, why? sometimes best aren't true.

    May dalawa akong matalik na kaibigan at parati silang nandiyan. magkalayo man kami alam namin sa puso namin kami'y magkakaibgan.

    be blessed mam!

    TumugonBurahin
  2. pongkie bro, salamat sa comment mo ginawa kong status sa fb ko nagandahan ako ; )

    TumugonBurahin
  3. tunay na kaibigan yung binabatukan ka nang harapan, yung alam niyang may karapatan siyang mang agaw ng pagkain mo at ganun ka rin naman sa kanya!

    I love my friends. :-)
    Nice blog, 2 days mo na kong hindi
    pinupuyat.

    TumugonBurahin
  4. hahaha! salamat sa pagdaan JJ. Ampatuan : )

    TumugonBurahin
  5. Mababaw ako at malalim.

    Iba-iba ang karakter na ipinapakita ko sa mga pagkakataon subalit may ilang mga tao na siguro makapagsasabi na sa kabila ng katahimikan ko o sa kabila ng paghalakhak ko...tao din ako at nangangailangan ng iba din. Sila ang mga taong sinasabi nating kaibigan.

    Minsan lang tayong dadaan sa mundo, wala nang ulitan. Maging maligaya at maging bahagi ng buhay ng iba.

    Nakanaman.

    TumugonBurahin

perfect : )