Linggo, Hulyo 3, 2011

Cebu Rhapsaday : )

                                                                        CEBU
                                              panibagong lugar, panibagong karanasan


Sa kauna-unahang pagkakataon nagdiwang ako ng kaarawan sa ibang lugar na hindi kasama ang mga mahal ko sa buhay. "Minsan lang" pakiusap ko kay iyah at kay mama... minsan lang sa buhay ko na makasama ang mga taong naging bahagi ng aking kamusmusan. "Minsan lang" pakiusap ko sa paborito kong aso na si bunso na hindi umaalis sa harap ng gate namin everytime na umaalis ako ng bahay. "Minsan lang" mensahe ko sa mga kalugar, kapitbahay at mga matatalik na kaibigan sabay takbo ng walang paalam. "Minsan lang" ako makakarating ng cebu... minsan lang akong sasakay ng eroplano... pagbigyan nyo na ko kahit ngayon langgg... wink!
                                               Havey, haberdey, it's my day, rhapsa day


Mactan Int'l Airport 10:30am, arrival area pa lang umaatikabo na ang tawanan, tilian na parang may mga tililing lang. Sa wakas nameet ko na si POW 77, ang powgi at ang sarap sakyan, nakipagsabayan ang lamig niya sa init ng panahon sa mga nag-iinit naming kasabikan kasabay ng pag-iinit ng mga mata sa nagbabagang luha na muntik na maging muta dahil sa sobrang init ng pagtanggap sa amin ni che. Kasabay ng pag-abot ng dalawang box na Tongkat Ali, isang espesyal na kape. Isipin mo nga, sa kabila ng pagiging abala ng ale eh nagawa pang alalahanin ang iinumin naming kape para sa mga darating na umaga namin sa cebu, o di ba? saan ka pa?
                                                                 kainan na!!!


Sabi ng tatay ko nung nabubuhay pa, wag daw ako kakain ng talaba dahil ang talaba daw ay nakamamatay. Tutal naman wala na ang tatay kong mahal, aba'y sa sarap ng pagkaing nakahain eh patay kung patay, "minsan lang" naman mamamatay eh hehehe... Sariwang talaba, sariwang pusit, sariwang hipon, sariwang gulaman, sariwang tilapya na sinlaki yata ng hita ko yun na niluto kasama ng masasarap na rekado, sinundan pa ng panghimagas na manggang hilaw shake weeeh  ala eh napasayaw tuloy ako "shake shake shake, shake shake shake, sarap matulog" \:D/  
                                                           Crown Regency Hotel


Nagpahinga lang kami ng konti larga na agad, walang humpay na inuman, sayawan, kantahan, tawanan, piktyuran, at may bonus pang telenobela live, starring aljhur at kris hahaha =)) kumpletos rekados, wala kang itatapon na moment talaga naman, mapagising man o mapatulog tuloy tuloy ang sound trip =)) Ibang klaseng karanasan na hinding hindi ko makakalimutan hanggang sa dumating ang panahong kailangan ko ng maupo sa silyang tumba tumba. Hinding hindi kayo mawawala sa alaala ko magpakaylan man. Thank you guy's : )
                                                    

5 komento:

  1. Tunay na isang magandang karanasan ang iingatan ko sa puso ko, dahil sa maikling panahong inilagi ko sa lugar na ito, mas nakilala ko ang aking sarili, kahinaan at katatagan. Nakilala ko rin ang isang islang dati ko lang hinahangad. Higit sa lahat ito ay dahil matagumpay kong naiuwi ang lakas ng loob na harapin ang responsibilidad at katotohanang iniwan ko pansamantala. Natulungan ako ng byaheng ito na mailabas ang mga katanungang matagal na namahay sa dibdib at isipan ko, tulad ng luha...

    TumugonBurahin
  2. Ikaw na ang dumayo pa ng Cebu para magdiwang ng iyong kaarawan.

    Sarap buhay.

    Happy birthday po

    TumugonBurahin
  3. salamat sa pagdaan jkul, minsan lang naman mangyari yan, pandagdag sa magagandang alaala ; )

    TumugonBurahin
  4. Hindi kailan man maibabalik ang panahon kaya dapat lang samantalahin ang ganito kagandang pagkakakataon na nanamnamin mo sa habang panahon! Para sa isang magandang alaala, Cheers!!!

    TumugonBurahin
  5. Ako yan era my friend! Happy Birthday ulit!!!

    TumugonBurahin

perfect : )