Linggo, Hulyo 10, 2011

Kasiyahan sa rurok ng tagumpay

"TAGUMPAY" ang salitang madalas gamitin upang mailarawan ang katuparan, pero ang totoo mahirap hanapin ang tunay na kahulugan nito.


Isang kaibigan mula sa hukbong sandatahan ang aking nakakwentuhan minsan, sabi niya "Ako ay masaya sapagkat bago ako dumating sa kalagitnaan ng aking buhay ay nakapagpatayo na ako ng bahay at may matatag na hanapbuhay, bukod pa sa aking maliit na negosyo kung kaya medyo nakakaluwag kami sa buhay at higit sa lahat masaya ang aking pamilya. Para sakin ito ay isa ng malaking tagumpay." 


Wika naman nung magbobote na pumipik-ap sa tuwing may kalakal ako dito sa bahay nang tanungin ko siya kung ano para sa kanya ang tagumpay, "Mam kuntento na kami ng pamilya ko sa simpleng buhay, nakakakain kami ng tatlong beses isang araw, malulusog at nakakapag-aral ang mga anak ko at higit sa lahat masaya kami, para sakin yun ay isa ng simpleng tagumpay".


Kanya kanyang opinyon at paglalarawan ng tagumpay sa magkaibang lebel ng buhay.


Ngunit ang tagumpay ay nagpapahiwatig ng pakikibaka o pakikipagbuno laban sa iba't ibang pwersa at kapag nalampasan mo ang mga pwersang ito na humahadlang sa mithiin mo ay maaari ka na tawaging matagumpay. At para maging matagumpay, dapat pangarapin mo ang isang bagay at magsumikap para makamit ito. 


Napakaraming mukha  ng tagumpay.... 


Ang isang artista kapag nakatanggap ng best acting award, siya ay tagumpay.  


Ang isang pulis kapag nakahuli ng kriminal, siya ay tagumpay.


Ang pagtatalik na nakarating sa climax, sila ay tagumpay
( o di ba tagumpay yun? )


Ang mga writer o blogger na kahit hindi premyado ngunit mayaman sa idea, sila ay tagumpay


Magkaiba naman ang tagumpay at swerte, tulad na lamang ng mga nananalo sa lotto, sila ay maswerte...


Sa kabila ng pagsasabing para maging matagumpay ay kailangang sagana sa mga materyal na bagay ay nagkakamali sila, dahil lahat yan ay di mo naman madadala sa hukay. 


Masasabi kong hindi ako tagumpay sa pinakapayak at masalimuot na depenisyon ng salita, pero hindi ako nagugutom. Hindi man madalas ay nagagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Sapat na sa akin na nakakabili ako ng mga bagay na gusto kong bilhin , nakakabayad ako ng mga monthly bills sa takdang oras. Hindi ko naman pinangarap na yumaman na tulad ng mga Zobel at Ayala. Hindi ko rin naman maituturing na tagumpay yun. 


Para sa akin, kung sa palagay mo ay natapos mong lahat ang iyong mga gawain at responsibilidad at sa tingin mo'y handa ka ng harapin ang paglubog ng araw sa iyong buhay ng may ngiti sa labi, yun ang tunay na "TAGUMPAY"   


3 komento:

  1. Binasa ko hanggang dulo. Ako ay matagumpay.
    At sumabit ako sa pakikipagtalik at nagawa kong basahin anf sobrang liit na nakasulat sa ibaba nun. Ako ay nagtagumpay hahahaha-joey

    TumugonBurahin
  2. salamat sa pagdaan badjao : )

    kainaman ka sumabit ka pa =))

    TumugonBurahin
  3. Para sa akin, kung sa palagay mo ay natapos mong lahat ang iyong mga gawain at responsibilidad at sa tingin mo'y handa ka ng harapin ang paglubog ng araw sa iyong buhay ng may ngiti sa labi, yun ang tunay na "TAGUMPAY"

    Yan din ang katuwiran ko. Sana matupad ang propesiya. :)

    TumugonBurahin

perfect : )