Miyerkules, Hulyo 6, 2011

LIBERTY

Kalayaan... yan ang palagi kong hangad sa buhay, ang magsalita ng malaya, kumilos ng malaya, mamuhay ng malaya at magmahal ng malaya. Nang walang pupuna, walang magagalit, walang tatanggi at walang magtatanong, pero imposible... Hindi ko pag-aari ang mundo, wala akong kapasidad na gawin ang lahat ng  yun, maliban na lamang sa imahinasyon o sa panaginip, doon ay malaya kong magagawa ang lahat. Mahirap mang tanggapin, mas masarap pa ring mamuhay sa reyalidad, bumagsak ka man hindi ka masyadong masasaktan sapagkat alam mo na ang iyong kahahantungan, depende na lamang yan sa pagtanggap mo at ng mga taong nakapaligid sayo... sentimyento ko lamang yan pero hindi yan ang topic ko wehehehe :p


Si Liberty po ay tao, magandang babae, may pusong mapagmahal at tulad ko ring ang hanap ay kalayaan, na kaya pinangalanang liberty ay dahil bumibertdey tuwing sasapit ang ika-12 ng hunyo. Dating kaeskwela nung uso pa ang nutribun  at katropa nung uso pa ang kending kulangot at tira-tira. Napadpad sa bansang Kuwait, namuhay ng walang kalayaan, nagmahal ng walang hangganan. Ngunit sadyang mapagtiis, pinagpala ng diyos at nabiyayaan ng yaman, dagdagan pa ng isang anak na bukod sa maganda at matalino ay mabait pa. Every year ay umuuwi sila ng pinas upang namnamin ang karapatang maging malaya. Gimik dito gimik dun, gala dito gala doon, halos libutin ang pinas kapag may pagkakataon. With matching mini skirt o kaya short na maong. kumpara sa kuwait na mistulang suman na nakabalot sa loob ng isang taon. Makikita mo sa mga mata niya ang kasiyahan, mararamdaman mo ang kalayaan, Walang pagkukunwari, walang yabang sa katawan, umulan bumagyo hindi ka iiwanan...
Sa katapusan ng buwan ay muli na naman siyang babalik sa bansang pinanggalingan, magmimistula na namang suman, de numero na naman ang kalayaan. Don't worry kaibigan habang may next year ay laging mananatili ang iyong KALAYAAN....

3 komento:

  1. Hanggang sa muling pagkikita kaibigan
    hanggang sa muling paghulagpos ng iyong kalayaan...

    TumugonBurahin
  2. Ibig sabihin nasa Pilipinas ang kalayaan?

    TumugonBurahin
  3. There's no place like home jkul. para sa kanya narito sa bansa natin ang tunay niyang kalayaan.

    TumugonBurahin

perfect : )