Miyerkules, Agosto 31, 2011

BER na naman...



September na... kasabay ng iniwang pinsala ng bagyong si mina ang malamig na simoy ng hangin at mga nagtataasang bilihin, hudyat na papasok na ang panahon ng kapaskuhan. 

Kanina lamang ay pinanonood ko sa bintana ang aking kapitbahay, nililinis ang xmas light na ginamit nung nakaraang taon, tinitesting ang mga bombilya nito kung ubra pa para gamiting dekorasyon sa kanyang bintana at nang masiyahan ay ikinabit na ng tuluyan, parang gusto ko siyang sabayan, gusto kong magpatugtog ng awiting pamasko pero gabi na, baka mapagkamalan akong muret ng mga kapitbahay ko, nakuntento na lamang ako sa pakikinig ng xmas song sa mp3 ko pero bukas, pangako ko sa sarili ko magpapatugtog ako at ilalakas ko ng bonggang bongga  para marinig lahat ng kapitbahay ko.





Sa buong isang taon, ang panahong ito ang pinakahihintay ko at siyang paborito ko. Hindi ko alam kung bakit, ngunit bata pa lamang ako ay ganito na ang pakiramdam ko sa tuwing sumasapit ang mga buwan ng ber. Sa tuwing makakarinig ako ng mga awiting pamasko, sa tuwing makakakita ako ng mga kumukutitap na xmas light at mga xmas decor ay parang napakasaya ko. Na kahit wala akong pera, pakiramdam ko ay panahon ito ng kasaganaan, pagbibigayan, pagbubunyi, pagmamahalan at pagpapakumbaba... isang bagay na nagpapagaang ng aking kalooban.



At sana sa darating na kapaskuhan ay hindi lang ako ang may ganitong pakiramdam, sana lahat ng tao ay magkaroon ng kasaganaan ng may kababaang loob, isang pagpupugay para sa paparating na kapaskuhan at pagsilang ng sanggol sa belen.

6 (na) komento:

  1. thank you madz, nag-enjoy ako sa pagtingin sa bohol rhapsaday mo ah, gustong gusto ko dun yung nasa zip line ka habang nakabaliktad at yung nasa tabi ng legs mo yung sawa, tinitigan kong maige kung alin ba dun ang legs at ang sawa hahaha =))

    TumugonBurahin
  2. tengene ka joeyboy wag mo ibahin ang usapan, ibahagi mo ang panalo mo magpainom ka!

    TumugonBurahin
  3. buhahaha kainaman ka eraaaa... ako na ang jopay :P kelan ang ating EB? :)

    TumugonBurahin
  4. December na siguro madz para masaya, pagalingin na muna natin ang rayuma ni jkul hahaha!

    TumugonBurahin

perfect : )