Biyernes, Agosto 19, 2011

SCRABBLE


Para sa akin ay isang simpleng laro lamang, maliban sa pampatanggal ng inip sa tulad kong mainipin ay itinuturing ko itong ehersisyo ng aking utak. Di ko akalain na sa larong ito ay marami akong matututunan, hindi sa mga letra o sa mga salitang inilalatag kundi sa mismong kalaban ko sa larong ito. Natutunan ko hindi lang ang tamang pakikipagkaibigan... hindi lang ang tamang pakikipaglaro sa kalaban sa ano mang uri ng laro... Natutunan ko rin ang tamang pagpapahalaga sa kapwa ng may determinasyon at walang pinipiling oras o sukatan. Nakakataba ng puso para sa isang tulad ko na lumaki sa isang masalimuot na sitwasyon, nakakataas ng moral... 

Sa pamamagitan ng blog na ito ay iniaalay ko sayo ang isang taos pusong pasasalamat kaibigan,  hinding hindi kita makakalimutan habang ako'y nabubuhay. Umasa kang ibabahagi ko sa iba ang bawat aral na natutunan ko mula sa iyo, naway dumami pa ang lahi mo. Mabuhay ka my friend : )

3 komento:

  1. Anoman ang gawin mo sa kapwa mo, masama man o mabuti, asahan mong ito ay tiyak na babalik sayo...

    TumugonBurahin
  2. ang swerte naman nung friend mo na yun
    ate...

    ingat ka lagi

    TumugonBurahin
  3. thanks bunso :) mas maswerte ako kasi naging kabigan ko siya at kaklase ko nga pala siya nung elementary :)

    TumugonBurahin

perfect : )