Sabado, Setyembre 10, 2011

HACKER

Oo inaamin ko isa akong adik... isang wagas at tunay na adik sa facebook. Tengeneng yan! Sobrang sama ng loob ko dahil ilang araw na akong hindi makapag-facebook, yun pala.... yun pala na-hacked na ng putang inang hacker ang facebook account ko waaaaaaaah :(

Sobrang angat na ng teknolohiya ngayon, masyado ng matatalino ang mga tao, talinong kung gagamitin lang sana para mabago ang ikot ng mundo at masugpo ang mga kalamidad na nangyayari ngayon sa ibat ibang panig ng daigdig ay makakatulong pa sila imbes na maminsala ng kapwa. Sa sobrang talino ng ibang tao ay kung ano ano na lang ang naiisip. Wala ng imposible ngayon pagdating sa komunikasyon, lahat na halos ng klase ng gadget ay meron na ang mga tao . Samantalang ang matatalinong tao ay walang tigil sa pagtuklas sa mga makabagong aparato, habang ang iba naman ay sa kasamaan ginagamit ang kanilang kaalaman. 



Mula ng mauso ang internet, kasabay na nauso ang mga booter at spammer sa chat, pishing at hacking naman sa mga social networking site, sa sobrang talino ay nagagawa nilang pasukin ang pribadong account ng isang miyembro nito. Kamakailan lamang ay nabiktima ako, minalas na naexpired ang aking anti virus kasabay ng pagkawala ng aking firewall protection ay ang pagkawala rin ng aking paboritong account sa facebook. Sinubukan kong makipag-ugnayan sa pamunuan ng facebook ngunit marami silang hinihinging requirements at isa pa ay nauubusan ako ng english sa kagagawa ng email sa walang konsiderasyong pamunuan ng facebook, wala rin akong nagawa kundi ang magmura na lang... "Tangina mo hacker mamamatay ka din bwisit ka!!!" May natutunan man akong leksyon sa nangyari ay abot langit ang panghihinayang ko sa mga alaalang inimbak ko sa nasabing account, sayang tsk tsk tsk...

1 komento:

  1. Ako naman marami akong naramdaman, parang may nakabara s lalAmunan ko kala mo lagi may plema. Para akong sinasakal lalo na kapag nakahiga ako, Hindi pwede sakin ang mababang unan kailangan mataas. Lagi ako sinisipon actually matagal n nga Ito eh,minsan nga sa kakasinga ko may sumasamang dugo. Lagi namamanhid ang ulo ko. NatAtAkot n nga ako eh kc ang dami ko ng nabasa tungkol s sakit n cancer s lalamunan lalo p ang mga simtomas nito ay tulad din ng sakin. At isa p pg natutulog ako ang lakas ko daw humilik. Makukuha PBA s gamot ang sakit n ito?

    TumugonBurahin

perfect : )