Sabado, Setyembre 24, 2011

NASOPHARYNGEAL CARCINOMA

Matagal ko na gustong i-post ito ngunit dahil sa kulang ang aking nalalaman sa bagay na ito ay nanatili na lamang itong nakaimbak sa aking draft. At sa pagkakataong ito ay naisipan kong ituloy dahil sa kasalukuyang isyu na naging dahilan upang ako'y magkaron ng kuryosidad at maraming salamat kay "pareng googles" sa impormasyon.


Ano ba ang NASOPHARYNGEAL CARCINOMA?


Ito ang sakit na pumatay sa asawa ng aktres na si Camille Prats at kasalukuyan din itong sakit ng basketball star na si Rommel Adducul. 


Ang sakit na ito ay isang cancer na tumutubo sa itaas na bahagi ng lalamunan na nasa likod ng ilong at sa tinatawag na "auditory tubes" na siyang mga kanal na papunta sa tenga. Mas madalas itong maranasan ng mga kalalakihan sa asya at africa, kaya sinasabi na maaaring may kinalaman dito ang lahi, mga kinakain at pati na rin ang mikrobyong nalalanghap ng ilong. Ang mga sintomas nito ay bukol sa leeg, pagkawala ng pandinig, maaaring parating sinisipon o kaya'y madalas na pagdurugo ng ilong, pagbabago ng boses, pamamanhid ng mukha at matinding sakit ng ulo.  


Kadalasang nagiging sanhi nito ay maaaring namana sa isang kapamilya, pagkahilig sa pagkaing maalat, lantad sa alikabok na nagmumula sa kahoy at paninigarilyo. Ang resulta nito ay kadalasang nada-diagnose kapag kalat na. Ang bukol na mararamdaman ay maaaring yung kanser na mismo, na inaakala nating simpleng kulani lamang sa leeg na kung saan ay kumakalat ang kanser. Mahirap operahan ang kanser na ito dahil sa lokasyon, kaya ang tanging lunas na lamang ay radiation at chemotherapy. Ang layunin ng naturang therapy ay patayin ang kanser at kontrolin ang pagkalat nito. Maganda naman ang survival rate ng naturang kanser dito sa asya sapagkat malawak ang experience ng mga doktor sa paggamot sa sakit na ito. 


At isa sa kilala kong survivor ng naturang kanser ay ang aking batchmate na si Missael Sumang at ayon sa kanya ay siyang pinaka-matinding pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. Dumating sa punto na nawala ang kanyang pandinig at panlasa sa pagkain ngunit dahil na rin sa tibay ng pananalig at suportang moral ng mga mahal sa buhay ay nalampasan niya ang naturang pagsubok. 


Ang buhay natin ay mahalaga kaya pangalagaan natin ito, huwag balewalain ang mga simpleng nararamdaman sa ating katawan dahil baka ito ang maging sanhi ng maagang kamatayan...






15 komento:

  1. mmaaari po kayang magkaroon din ang batang babae edad 15 yrs old ng ganitong karmdaman ?

    TumugonBurahin
  2. salamat din sa pagdaan jedpogi ;)

    @sayo na ayaw magpakilala, posible po kung expose siya sa alikabok at usok pero wag naman sana. pa-check nyo na po sa ENT para sigurado kayo. salamat po sa pag-daan :)

    TumugonBurahin
  3. Ako po ay may kapatid na may sakit n ganito since 2004 pa, nag inremission ngaun my mga bukol n nman ... takot na sya magpa chemo ulet , gusto nman niya mag herbal.. sana gumaling na sya ng tuluyan....Sa mga may sakit nito.. sana magkaroon ng samahan pampalakas ng loob....

    TumugonBurahin
  4. Sayo po na ayaw magpakilala, ituloy lang po sana ang chemo para tuluyang gumaling ang kapatid mo, lakasan ang pananalig sa panginoon at higit sa lahat, mga taong malalapit sa pasyente ang tanging makakapagbigay sa kanya ng suportang moral.

    Wala pa akong nabalitaang group o organisasyon ng mga taong may NPC, sana nga po ay magkaroon at dalangin nating may makabasa ng inyong suhestiyon sapagkat malaking bagay sa pasyente na may nakakausap na kapwa biktima ng sakit na ito. Salamat po...

    TumugonBurahin
  5. may kapatid din ako na diagnose ng june 10, 2011, chemo@radiotherapy dumadanas na sya ngaun ng pananakit ng lalamunan dahil sa gamutan ano po ba ang maipapayo nyo about dito salamat po...!

    TumugonBurahin
  6. tanong lang po ilang porsyento na gagaling sa sakit na nasopharengeal cancer pag nag raditiontherapy at nag chemo.?

    TumugonBurahin
  7. bukod sa ENT sang doktor pa po pwedeng magpa chek up.salamat po

    TumugonBurahin
  8. sir, may kakilala po akong 17 na babae ..anu po b ang mas may mlaking chnce para gumaling sya, sa.chemo po ba ?o.sa.radiation therapy.po ..tnx po sna mpncn nyo po ito

    TumugonBurahin
  9. Kasama po ba sa sintomas ay pagdurugo ng ilong at pagkakaroon netu ng langib ?

    TumugonBurahin
  10. ano po ang sintomas ng ganitong sakit ? salamat po

    TumugonBurahin
  11. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin
  12. May nararamdaman aq sa lalamunan q.parang di na normal ang paglunok q at madalas na may sobrang lagkit na laway.anu po ba ito.at minsan na nalasing aq.pinilit q sumuka at dinukot q lalamunan q.doon may nakapa aq na parang bukol na maliit taz matigas...

    TumugonBurahin
  13. my bukol dn po ako sa butas ng aking ilong sumakit na dn po ang aking lalamunan at nawalan ng pang lasa .. pero ngayon po wala na akong nararamdaman pero nandito parin po yung bukol .. anu po ang maipapayo nyo????? 16 palang po ako

    TumugonBurahin
  14. Ako naman marami akong naramdaman, parang may nakabara s lalAmunan ko kala mo lagi may plema. Para akong sinasakal lalo na kapag nakahiga ako, Hindi pwede sakin ang mababang unan kailangan mataas. Lagi ako sinisipon actually matagal n nga Ito eh,minsan nga sa kakasinga ko may sumasamang dugo. Lagi namamanhid ang ulo ko. NatAtAkot n nga ako eh kc ang dami ko ng nabasa tungkol s sakit n cancer s lalamunan lalo p ang mga simtomas nito ay tulad din ng sakin. At isa p pg natutulog ako ang lakas ko daw humilik. Makukuha PBA s gamot ang sakit n ito?
    Tumugon

    TumugonBurahin

perfect : )