Miyerkules, Marso 13, 2013

How Old Are You???

I'm fine thank you....

Daming benefits pag tumatanda na, gold sa ngipin, silver sa buhok at kung ano ano pa. Sa totoo lang bihira akong magkasakit mula ng maging tao ako kaya bihira lang din ako makakita ng doktor, pero ngayon madalas  na ko makipag-appointment sa kanila. Ngayon ko lang din naranasan ang mga laboratory test, ang lahat ng uri ng ultra sounds at ang pag-liyad liyad sa harapan ng xray machine, tangna sukdulang mabali ang likod ko sa kaliliyad wala man lang pakialam ang technician, two years ago nga eh nagmistulang pinitpit na luya ang dibdib ko sa sakit ng mammo. Sarap manipa ng technician na walang pakialam kung ang pasyente ba ay nasasaktan o nasasarapan sa ginagawa nila bwisit....

Pagkatapos ng isang buwang pagpapabalik balik sa ospital, heto naka-tengga at naghihintay na tawagan nila para ma-schedule for operation. "OO MAY MYOMA AKOOOO!!! tangina this...
 
Wala man lang sa hinagap ko na magkakaroon ako nito, naging aware lang ako pagkatapos maoperahan ng dalawang pinsan ko at nalaman ko na rin na ito rin ang ikinamatay ng isang tiyahin ko 3 years ago. Namamana pala ito... kadaming mamanahin eh myoma pa bwisit! Tapos pag naoperahan ka pa dito tatanggalin lahat pati matris. Eh ano pa silbi ng pekpek ko? ano pa eh di ihi na lang... wink!

At hindi lang yan, habang may nakakapa kang kung ano-ano sa katawan mo nagsasakitan naman ang mga joints mo, ang talampakan mo at ang mga daliri mo, malamigan ka lang ng konti hatsing dito hatsing doon. Kagaling kong magpayo sa iba eh ako mismo hindi maganda ang health condition...

 Sabi nang ina ko "yan ang nangyayari sa mga taong abusado sa katawan", sabi naman ni kulisap "sign of aging na yan era", sabi ko naman "lul mas matanda ka pa sakin no!" =))

Sa ganang akin, mas maige na to kesa high blood, mas nakakatakot yun! At least ako alam ko kung ano kalaban ko. Masakit sa ulo at sa bulsa pero ganon talaga, lahat tayo dumarating sa puntong kinakailangang harapin ang katotohanan, na bahagi ito ng pagsubok ng buhay, na hindi sa lahat ng oras eh malakas ka. Kung yung makina nga nasisira eh tayo pa, di naman tayo kasinglakas ng makina...

Sana lang kapulutan ng aral ng mga makakabasa, lalaki man o babae ingatan sana ang sarili. Nakakalungkot naman na sa pagbabalik blog ko ganito pa bwena mano... well thats life :)

3 komento:

  1. hi era, biodegradable ka..hehehe.

    email ka sa akin, may lunas 'yan. mas mura kumpara sa operasyon mo. pero gagastos ka din naman. basta email ka sa akin.. minsan lang me magseryoso, naaawa naman ako..ihi na lang pakinabang..hahaha, eh pano kung ung ihi, umarte din? patay ka dian..hehehe..email na

    TumugonBurahin
  2. siraulo ngayon pa naoperahan na ko! di ka man lang nag-abalang magtex na lang, wala ka talagang silbi jkul!

    TumugonBurahin
  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    TumugonBurahin

perfect : )