Note: after 4 years na nakatengga sa draft ko naipublish din ampowta =))
Krrringggg...
era: hello?
caller: Dr. Nakan po ng East Ave Medical Center. Kayo po ba si Evelyn Castro?
era: mam Erlinda Carpio po ako at hindi Evelyn Castro
caller: ay wait lang po hanapin ko name nyo... ah heto po nandito na. Mam ask ko lang kailan po kayo huling nagpa-check up?
era: ano po yun mam? mam choppy kayo mam pakitex nyo na lang po sakin mam!
Napaupo na lamang ako pagkatapos kong mabasa ang text message ng nasabing doktor at naibulong ko na lang sa aking sarili "pabigla bigla namang... kung kailan naman malapit na fiesta eh tsk tsk tsk...
Mahigit isang buwan din akong naghintay ng tawag at kung kailan naman hindi ko inaasahan ay saka pa ako natawagan, hindi ko naman pwedeng ikansel dahil matagal ko ngang hinintay, pero paano na ang obligasyon ko sa darating na fiesta, gahol na sa oras para sa briefing at ihabilin sa iba
ang santakruzan at pageant.
The moment of truth...
April 15,2012
DAY 1 - Araw ng admission ko sa hospital, daming laboratory test, ie dito
ie dun, sakit na ng katawan ko. Bawat doctor na titingin sakin ay
nagrereklamo ang kabahagi ko sa sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko ng
mga oras na yun ay isa akong singsing... putangina!!! Sa wakas dinala na
rin ako sa ward. Malaking kwarto na may anim na kama, apat ang okupado
at bakante yung dalawa sa bandang kaliwa kapag nakatayo ka sa pinto. May
bentilador sa tapat nung isang kama, sumenyas yung isang pasyente
kamamatay lang daw nung dating nakahiga doon. Nagdesisyon akong pumwesto
sa tabi ng pinto, di bale ng walang bentilador wag lang maging next
candidate ni kamatayan... brrrrr tangina kinikilabutan ako, padilim na,
makatulog kaya ako ng maayos nito....
April 16,2012
DAY 2 -"Good morning mga mommy, (bati ng isang grupo ng mga nurse)
inhale & exhale po tayo para ma-exercise ang ating mga lungs' (wala
bang exercise para sa bangs sabi ko sa sarili ko) kalokah! Di ako
masyado nakatulog, mayat maya may lumalapit para mag-bp at kumuha ng
sample ng dugo, nalagyan na rin ako ng dextrose at maya-maya lang ay
sasalinan na ko ng dugo. Naligo ako at pagkatapos ay naglakad lakad sa
kwarto. Sa mahigit isang oras na pakikipagkwentuhan ay nakabuo ako ng
isang grupo ng mga kaibigan, mga kapwa ko pasyente. At dahil sa masayang
kwentuhan at tawanan ay laging buhay ang room 3016, tinawag namin itong
Brgy 16, Kanto masyete.
April 17,2012
DAY 3 - Ikatlong bag na ng dugo ang
naisasalin sakin, kulang pa raw ng isa sabi ng doctor, dedma lang
ako.Bawal na raw solid food mamayang hapon, nagpabili ako sa jollibbe at
nagpakabusog bago pa dumating ang oras ng bawal. 6pm dumating ang
dietician, soup at gelatin ang hapunan ko... mas matindi kinabukasan
tubig at candy na lang sa almusal at walang tanghalian.
April 18,2012
DAY 4 - 1pm dinala na ko sa operating
room, malamig ang aircon at pagkalakas lakas ng sounds na pag-aari ng
anaesthesiologist na si doc allan, kahit rockers mabait naman, hindi cya
umalis sa ulunan ko at nanatiling nakamonitor sa bp ko habang akoy
inooperahan, gising ako, nilabanan ko ang antok, sa recovery room na ako
nakatulog. Alas dos ng madaling araw nagising ako sa kirot, tawag ako
ng tawag sa mga nurse na dumadaan pero walang pumapansin sakin. Grabe na
ang sakit di ko na matiis, bumwelo ako at isang malakas na sigaw ang
pinakawalan ko "NARSSSSSSSSSSSS! o loko de may pumansin sakin! tinandaan
ko mukha ng lahat ng mga nurse at attendant na nasa recovery room. Yari
kayo sakin mga putanginanyo sa isip-isip ko...
April 19,2012
DAY 5 - 9am bumangon ako at naglakad
papuntang terrace, inalalayan ako ni girlie at tina, as usual, kwentuhan
at sharing ng mga experience before and after ng operation, amf... ang
hirap tumawa =)) Maganda naman pakiramdam ko maliban lang sa kirot ng
tahi ng operasyon at sa loob ng puson ko, sa bahagi ng inoperahan... at least alam ko kung saan ako inoperahan, eh yung isang pasyente dun hindi alam kung anong opera ang ginawa sa kanya, eh kako check mo pepe mo baka isinara na =))
April 20,2012
Day 6 - 8am may lumapit na nurse
nurse : nakautot na po ba?
era : opo dalawang beses na po
nurse : nakatae na?
era : konti lang po eh
nurse : ok lang. O sige pwede ka nang umuwi.
Sa wakas makakauwi na rin... Nagsinungaling ako sa nurse, ang totoo nyan di pa talaga ako nakautot at nakadumi....
April 21, 2012
Day 7 - maghapon na pag-aasikaso ng hospital bill. Laking bagay ng philhealth ko wala akong binayaran sa ospital, walang naging problema.
Makakauwi na rin sa wakas. Thank God nakaraos ako sa operasyon. Uwian na yehey!!!