KULUNTOY NA DIWA

Plok plok plok...


Ito ang side effect ng pagtambay sa kubo ni kulisap. Wala kang ibang maririnig kundi plok plok plok! tunog kapag may bagong mensahe sa chatroll. kiliti ang hatid  sa aking nagbabagang damdamin....

May naalala ako... noong nasa high school pa ako, bakasyon noon, inilabas ako ng nanay ko sa kumbento, tuwang tuwa ako na nakauwi uli ako, sabik na ko sa gimik. Kako sa sarili ko papalipas lang ako ng isang linggo pupuntahan ko si susan, isa sa mga kaibigan kong hindi nag-aabsent kapag may party. Pero pangatlong araw ko pa lang may sumisitsit na sa harap ng bintana ng kwarto ko, pagsilip ko si susan, sumesenyas sabay sayaw, punta daw kami sa party. Nakiramdam ako, busy si mama nagluluto sa ibaba. nagbihis ako at dumaan sa bintana, nagpalipat lipat sa mga bubong hanggang makarating sa bintana ng bahay ng isa pang kaibigan, nakaabang na sa akin sila susan. Nakawala na naman ako sa isip isip ko...

Nasa party na kami, andun na rin ang tropang lakbay diwa, isa sa mga member ay bf ni susan. Maya maya pa ay tinawag na ang pangalan ng tropa nila, hudyat upang pumagitna na sila kasama ang kanya kanyang kapareha.Special request yun, 10 piso bawat request sa tugtog na mapipili mo, solo nyo ang dancing hall dahil nagbayad kayo. Hinawakan ni barry ang kamay ko at hinila na ko sa gitna, si barry ay matalik na kaibigan ng bf ni susan.

Pagkatapos ng sayawan nagkayayaang mag-stroll sa kahabaan ng herbosa hanggang sa makarating kami sa bahay ng bf ni susan, walang ibang tao kundi kami lang, sabi ni susan doon na raw kami magpalipas ng gabi kasi delikado ng umuwi ng alanganin, eh di sige kako. Naglatag na sila at pinatay na ang ilaw, magkakatabi kaming apat na humiga, wala kasing dibisyon ang bahay na yun.

Bugso marahil ng damdamin, wala ka ng ibang maririnig kundi tunog ng  mga nagsisipsipang ewan, ito namang katabi ko mukhang kalalabas lang din ng seminaryo, wala lang, pareho kaming nakikiramdam sa dalawang kasama namin. Malalim na noon ang gabi, hindi ako maidlip man lang dahil sa likot at ingay nung dalawang magboypren.... Maya maya pa ay kakaibang tunog na ang naririnig ko, sa simula ay mahina at madalang... plok................. plok............ plok....... eka nung tunog... Nang lumaon eh madalas na at palakas ng palakas
PLOK.....PLOK.....PLOK......

Ginising ako ni susan na hanggang tenga ang ngiti sa labi... Hmp! umaga na pala...


TIKATIK NG ULAN

Tag-ulan na naman... naririnig ko na naman ang ingay ng mga palaka sa likod ng bahay, sabayan pa ng bagsak ng mga bunga ng duhat sa bubungan. Paano ka ba naman makakatulog nito... Ang ingay pa ni tamingming, yung alaga naming pusa. Kapapanganak lang eh mukhang may boypren na naman, napaka-playgirl naman ng pusang yun, every 4 months nagpapalit ng boypren. Ano kaya kung maging pusa na lang din ako...malabo... di naman pwede sa pusa ang dog style, eh yun ang peborit ko... wink!
Hayyy kasarap matulog... yari na naman ang mga teddy bear ko, sa bigat ng legs ko sigurado bukas ng umaga mga payat na sila. Hirap ng walang katabi sa pagtulog, wala ka ng kayakap eh wala ka pang churva. Pero ok lang, masabi lang ba na may ka-churva ka eh kahit kanino na lang? wak naaa...
Ubos na pala sigarilyo ko, nakalimutan ko bumili kanina, wala akong choce kundi matulog na.
Hindi pa ko inaantok pero masarap ng humiga habang nakikinig sa tikatik ng ulan, tikatik na masarap sa pandinig, kakaibang tunog na nagmumula sa kalikasan...Maligayang pagdating ULAN : )