Huwebes, Mayo 12, 2011

BABAE... nang makabagong panahon

Ang paglabas sa kahon ay hindi nangangahulugan ng pagwawala, bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao, bahagi ito ng ating pagkamulat tungo sa reyalidad. Noon madalas na inihahalintulad ang babae sa kalikasan, sabay na pinagsasamantalahan ang kalikasan at kababaihan. Sa patriyarkiya ang babae ay inihahalintulad kay maria clara, paloob na pag-iisip... mistulang talunan...


May naalala akong kwento tungkol sa isang dalagang nagmula sa angkan ng mga relihiyoso at konserbatibo. Atas marahil ng kuryosidad, ang dalaga ay humarap sa salamin ng hubot hubad, umikot ikot at tumuwad tuwad, nagulat nang mabuglawan ng kanyang ina sa ganong itsura. Nagbihis ito ng hindi nagsasalita, alam niya na ang susunod na eksena, 3 ama namin, 3 aba maria at 3 santa maria ang kaparusahan sa ginawa niya.


Bilang babae sa kasalukuyan, hindi hadlang ang pagiging moderno sa mga lumang nakagawian, Hindi komo nakasuot ng short at spaghetti strap ay di na virgin. Hindi komo maharot at malakas tumawa ay malandi na, masayahin lang siguro yung tao. Unfair sa mga modernong kababaihan na husgahan ng dahil lang sa makapal ang lipstik nito at pakendeng kendeng kung maglakad. Eh ano ba magagawa nyo kung talagang sexy kami? Ano ba pakialam nyo kung labas ang likod at pusod namin? Di naman kayo ang malalamigan...


Sa mga babaeng tulad ko ito ang tandaan nyo, palayain nyo ang sarili nyo, lumabas kayo sa kahon at ipakita sa mundo ang kagandahan at kakayahan ninyo. Wag kayong matakot na ipahayag kung ano ang nararamdaman nyo. Hindi natin kailangang makipag kumpitensya sa mga kalalakihan. Ang lalaki ay minamahal at hindi kinakalaban, igalang natin pero hindi dapat katakutan. Kung kaya nilang manligaw eh kaya din naman natin. Paano kung torpedo yung lalaking gusto mo? Mapapanis ka neng, kahit maglupasay ka hindi yan gagawa ng move. Lakasan mo loob mo o kaya uminom ka ng isang basong matador, pag bangenge ka na aylabyuhin mo na, ganon lang kasimple. Wag kang mag-alala dahil hindi kabawasan sa pagkababae ang sabihin sa lalaking napupusuan mo na gusto mo cya, make sure na hindi mababalahura ang pagkababae mo...

5 komento:

  1. Galing nito Eratikatik!Isang pagpupugay sa mga babae ng bagong henerasyon matalino, matapang at may pagpapahalaga sa sarili!Salamin ng katotohanan na hindi dapat husgahan ang babae dahil sa kanyang pananamit at estilo.
    MABUHAY ANG KABABAIHAN!!!

    TumugonBurahin
  2. natutuwa ako sa iyong nilathala. Subalit ikinalulungkot ko rin, na may kababaihan na sinasamantala ang paggamit ng " Babae ng makabagong panahon"...dahil na rin siguro sa kawalan nila ng kakayahang maunawaan ito at silay nasasadlak sa pang aabuso ng mga kalalakihan....

    TumugonBurahin
  3. sino ang may-akda nito? para mabigyan ko ng proper citation dahil binabalak kong kumuha ng impormasyon mula dito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. arrabaca ikaw ba iyan?

      Burahin
  4. galing!
    ako din sana.... balak ko rin kumuha ng impormasyon hehe... salamat po....

    TumugonBurahin

perfect : )