Miyerkules, Mayo 11, 2011

MAY FREE TASTE BA SA PAG-IBIG?

Ano?   Umiibig ka na naman? Awwwts...

Napakaraming mukha ang pag-ibig, alin kaya dun ang pag-ibig mo? May pag-ibig ba talaga sa mundong ito? Napatunayan na ba ng science na may pag-ibig? Hindi ba't sa puso nagmumula ang pakiramdam na ito eh bakit yung iba nagpapahula pa sa quiapo para lang malaman kung may darating na pag-ibig? Yung iba aalamin pa horoscope nila for the day tungkol sa pag-ibig? Alin ba talaga ang dapat paniwalaan, yung manghuhula, yung horoscope o yung sinasabi ng puso? Ang guloooo...

Ano ba ang espesyal sa pag-ibig, bakit sa tuwina na lang eh hinahanap hanap natin ito? Hindi naman assurance yung pag inlove ka eh sasaya na ang buhay mo to the maximum level. Marami nga jan ang broken families, hiwalay, may kabit, nagulo ang buhay dahil sa maling pag-ibig. Parang nag-sawa na yung iba sa happy ending kaya kumakabit na lang, mas may thrill nga naman. At least sila nag-iibigan kahit nakikisosyo lang eh ikaw, naiiwan ka na sa ere neng at nag-iisa sa tunay na buhay....

Napakaraming komplikasyon ang pag-ibig, daming nasasayang na luha at salita pero hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot ang katanungan ng nakararami kung bakit natin kailangang umibig. Bakit nga ba? Aba eh anong malay ko....
Diyata't mas mainam kung FREE TASTE na lang, wala ka pang iintindihin, wala ka pang poproblemahin. parang nasa supermarket ka lang, titikim ng FREE TASTE at reresbak pag nasarapan, lilipat naman sa iba kapag hindi nagustuhan. Ayos ah parang robot lang, walang damdamin.... Meron nga bang FREE TASTE  pagdating sa pag-ibig???  Haler!!!