Miyerkules, Pebrero 7, 2018

Ang pangarap kong BORACAY

Buwan ng Mayo,2015


Ang mga pangarap ko ay tulad ng isla ng boracay, para marating ko ay kailangan kong paghandaan at paghirapan. Hindi ganon kadali para sa simpleng mamamayan na tulad ko, can't afford ako upang marating ang isa sa pinakamagandang baybayin sa pilipinas.



Pero madalas nakukuha sa dasal ang mga pangarap lalo na kapag good karma ka, nagpapadala si lord ng angel para tuparin ang mga pangarap mo :)

Nagising na lang ako isang umaga na may paanyayang lumipad patungong Aklan kung saan naroon ang islang pinapangarap ko. Paanyayang humihingi ng pabor upang gampanan ang responsibilidad na hindi niya magampanan dahil sa milya-milyang layo ng kinaroroonan niya.

Si Kulasa, ang babaing walang pahinga sa paghahanapbuhay sa america, nakikiusap na kung pwede ba ako maging proxy sa kasalan na isa cya sa mga ninang. Hindi mahirap para sakin dahil kilala at mga kaibigan ko rin ang mga magulang ng ikakasal. At sa lahat naman ng humihingi ng pabor ay ito ang pabor na pabor sa akin at talaga namang napakahirap tanggihan :)

Whoaaa! Napapa-palatak ako sa excitement :D