ERATIKOWTS

1) Ang bangko inuupuan, hindi binubuhat.

2) Huwag kang ngingiti kung di bukal sa loob mo
    nagmumukha ka lang aso...

3) Ang prinsipyo kung minsan nakakagutom din
    dumarating kasi ang panahong ito ay kakainin mo rin.

4) Mas pathetic ka pag marami kang pera
    kasi di naman nabibili ng pera ang tawa.

5) Wag mong piliting abutin ang langit
    para pagbagsak mo sa lupa di masakit.


6) Lumalaki ngunit di tumatanda
    umaalis ngunit walang napupuntahan.


7) Hindi ako tanga, feeling mo lang matalino ka.

8) Puksain mo muna ang anay sa loob ng bahay mo
    bago mo tingnan ang mga anay sa labas nito.

9) Ayaw mo sa mga taong nasa paligid mo,
    tinanong mo ba kung gusto ka nila?


10) Hindi ko ugaling sumayaw kapag di ko alam ang tugtog.

11) May mga taong hindi alam ang sinasabi
      mistulang wala sa sarili.