Wala kang maririnig
sa talsik ng laway na tumatakas sa bibig
kung ibig mo talaga akong pakinggan
bunganga mo'y iyong takpan
Wala kang makikita
sa simpleng pagsulyap sa aking mukha
kung ibig mong tumagos sa aking bungo
liparin ang matang lawin sa aking sentido
Wala kang maaamoy
na kabulukang sa utak mo'y dumadaloy
kung ibig mong bango ko'y masimsim
itapon sa malayo ang ugaling mahangin
Wala kang masasabi
ikaw na laging iniisip ay sarili
kung ibig mo talaga akong makatalik
tuhugin ang lupa, laktawan ang halik
Wala kang matitikman,
hindi mo ako kilala liban sa pangalan
kung ibig mong alindog ko'y malasap
umangkas sa pawis ng mga naghihirap.
Biningi ka ng tsismis, binulag ka ng mangmang
binalinguyngoy ka ng korap,ginawa kang pipi ng sakim
Habang dila'y pinamanhid ng iyong takot sa pagbabago
magamot kaya ng pagpapatse patse ang sarili mong nagkaletse letse?
Susme! inalipin ka ng epidemya, inutil na ang lahat mong pandama!
Wala ka pala eh...

Mensahe mo ba ito sa ating namumuno?
TumugonBurahinKamusta Era?