Huwebes, Mayo 19, 2011

LALAKI paubos ka na nga ba?

Weeeh di nga? =))
Dati rati mga kapwa babae lang ang kahati sa pagmamahal ng lalaki pero ngayon lalaki na rin ang kadalasang nagiging karibal. Di ko na malaman ngayon kung sino ang fake at tunay na lalaki kasi mga lalaki ngayon nagpupulbo na rin at naglolotion, mga metikuloso na rin. Tinatanong ko ang sarili ko... ito kaya ay bahagi ng kanilang pag-unlad bilang tao? O di kaya ito'y isa lamang sa resulta ng climate change?


Nababahala ang kababaihan sa kakaibang kalamidad na kasalukuyang nangyayari ngayon saang panig man ng mundo. Darating ang araw na idyi-generalized na ang batas tungkol sa "sosyology", lahat ay bibigyan na ng karapatang sumosyo bwahahaha=)) lakas naman makalukring neto =))
At sapagkat sila ay "endangered specie" na kaawa-awa ang sasapitin ng mga kalalakihan sa darating na mga araw, pag nagkataon sila na ngayon ang magiging biktima ng rape "wag po ate wag po" at sila na rin ang liligawan at haharanahin. Tutal paubos na rin lang sila, sana sila na rin ang magbuntis at manganak =))


SERYOSO....just a matter of realization, no offense sa mga 3rd sex. Hindi lamang sa literal na pagkaubos ng tunay na lalaki ang nangyayari ngayon. Bakit kamo? Hindi bat bihira na lang ngayon ang lalaking magagalang? Wala na silang masyadong pakialam ngayon sa mga babae pisikal man o emosyonal. Halimbawa na lang sa mga pampublikong sasakyan, bihira na lang ang  lalaking nag-aalok ng upuan sa mga babae. Subukan mong sumakay ng bus o mrt/lrt lalo na kung rush hour, pag minalas malas tsatsansingan ka pa, mangagawit ang singit mo sa kakatayo walang magpapaupo sayo, dedma lang, yung iba naman nagtutulog tulugan. Well... maliban na lang kung ikaw ay sexy at oozing w/sex appeal na gaya ko eh siguradong may magpapaupo sayo, yung iba baka kandungin ka pa. Ganon eh, kapag maganda ka at medyo angat ka sa iba  saka mo lang mararamdaman ang pagpapahalaga nila sayo, lalo na kung sila ay atrakted sayo at gusto kang makasiping, lahat ng pambobola mararanasan mo. Bilang babaeng sumasampalataya sa pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan hinahanap hanap ko pa rin ang  nakakakilig na paglalagay ng lalaki sa babae sa pedestal. Ang tanong ko lang naman eh asan na nga ba kayo? Nasaan na ang tunay na kahulugan ng salitang LALAKI?

5 komento:

  1. lalaki sa tunay na kahulugan, hindi lalaki na gaya ng maga lalaki sa TNL

    TumugonBurahin
  2. Ayaw ko magkomento sana dito kasi sa totoong buhay, walang tunay na lalaki.

    Deeper meaning that i wanted to explain sana, pero 'wag na lang.

    Gaya ng kahalagahan ng isang babae sa mundo, ganun din ang kahalagahan namin...pantay dapat.

    TumugonBurahin
  3. natauhan na rin ang mga lalake ngayon puro pahirap kasi mga babae, pag naasawa mo na sila, yari kang lalake ka, kayod kalabaw ka na!ang tunay na batayan ng pagka lalake ay responsable, hindi yung mag aasaw ka lang ng babae para patunayan na laalke ka, utot nyo!idiot ang tawag dun ahahahha

    TumugonBurahin
  4. hoy buang obligasyon mo yun kapag nag-asawa ka na! kung ayaw mong maghanapbuhay eh bat di na lang bakla ang asawahin mo gunggong!!! tangnang to....

    TumugonBurahin

perfect : )