Martes, Mayo 10, 2011

NAKAKATUWA NAMAN =))

Naaliw ako ng sobra ngayong araw na to, maghapon ako tumambay sa site ni kulisap, sakit tiyan ko sa kakatawa. Nadagdagan na naman ang bagong kakilala at may natutunan na rin ng konti (kung pagkatuto ngang matatawag yun hehehe...) Iba ibang pangalan, iba iba rin ang karakter, feeling ko nawiwindang sila sakin pag bumabanat ako ng eksreyted. Kung alam lang nila nahihiya pa ko nun waaahahaha =)) =)) =)) Bagong karanasan para sa isang adik na tulad ko. Di ko man lang naisip noon na magkakainteres ako sa pagba-blog, feeling ko kasi noon para lang sa mga intelektwal ang blogsite, pwede rin pala sa isang hunghang na tulad ko, akalain mo yun...

Nakakatuwa kasi talagang tuwang tuwa ako as in...
Nakakatuwa kasi naibabahagi ko na ngayon ang laman ng puson at damdamin ko
Nakakatuwa kasi napag-alaman ko mababait pala ang mga bloggers, hindi sila nagmamaganda
Nakakatuwa kasi kahit alam kong malaman sila hindi sila nagmamagaling...

Isa lang ang di nakakatuwa.... nasunog ang sinaing ko dahil sa sobrang tuwa ko waaa : (

4 (na) komento:

  1. weh anung kinain mo? hahahah ayan kase!
    sa susunod, siguruhing naka ekis ang site ng dakilang insekto bago ka magluto hahaha..
    nakakatuwa ka rin Bb. Eratika.. sinabi ko nga't para akong nakikilit sa pagbigkas ng iyong pangalan hahaha..

    saka hindi ka nag iisa sa kaadikan mo.. napatunayan mo namna yan kanina diba? at tulad mo din.. nahihiya pa kami nun.

    bwahahahahaha

    bukas ulet! :P

    Nakow! wala ka rin name/url option sa comment section.. uu ako na ang reklamador na tunay nyahahahaha


    www.lifes-a-twitch.com

    TumugonBurahin
  2. hahaha! salamat sa pagbisita yanah ganda, marami pa ako kakaining bigas at natutuwa ako na papunta na ko sa grade 1 =)) siguro pag natutunan ko na kung paano yang name/url option jan sa comment section gagraduate na ko sa kinder =)) eh paano nga ba yan hehehe...

    TumugonBurahin
  3. Gaano ka na ba katagal sa paligid ligid ay linga sa lungga ko?

    Minsan praning ako, madalas pala,minsan matino naman ang sinusulat ko na ayaw bilhin ng mga taga-blogsphere,sarap sapakin sa bulbol. Wahahahaha.

    Tayo'y tao, natututo sa mga karanasan, pagkakamali man o tagumpay sa tamang landas na tinatahak.

    Isa lang ang sigurado ako, kinalimutan ko ang humusga para tumagal sa blogworld. :)

    TumugonBurahin
  4. hahaha sa susunod kasi pagnagsaing dalahin ang rice cooker sa tabi ng computer. Hahaha

    Maraming salamat sa munting kwentuhan. Tara na at magpalamig ulit sa lungga ni Jkul

    TumugonBurahin

perfect : )