Sabado, Mayo 14, 2011

TANGING INA PARA SA NATATANGING ANAK...

Alay sa isang kaibigan...


Sa isang inang nagdurusa sa kakaibang kalagayan ng kanyang mahal na anak, napakahirap... ngunit dahil sa kanyang pag-ibig at tibay ng pananampalataya, magagawa niya ang lahat upang maging malakas at matatag...upang maitaguyod ang anak na pinagkaitan ng kalayaang makihalubilo sa mundo ng reyalidad. Ano pa man, ito ay biyayang kaloob sa kanya ng maykapal...


Isang batang pagal ang pakiramdam sa mga hamon ng buhay 
isang batang sa simula pa lamang ay nais nang takasan ang katotohanan
isang batang walang pakialam sa mapanuring lipunan
isang batang may sarling mundo...


Kung susuriing mabuti, mapalad ang batang ito sapagkat hindi niya nararamdaman ang bawat dagok ng buhay. Hindi niya nararanasan ang mga kasinungalingang dulot ng mapanghusgang lipunan. Hindi niya mauunawaan ang ano mang sasabihin mo laban sa kanya, ngingiti lamang cya sa iyo sapagkat yun ang naaayon sa kanyang munting mundo...


Ano ba ang damdamin ng lipunan sa mga batang may ganitong uri ng kapansanan? Marami sa atin ang nagtatawa kapag nakakakita ng batang kakaiba ang kilos, iniiwasan at pinandidirihan na tila may sakit na nakakahawa. Sadya bang may mga taong kumpleto sa pag-iisip ngunit salat naman sa pang-unawa? TAO, baka nakakalimutan mo, sila man ay lalang ng diyos at bahagi rin ng lipunang ginagalawan mo. Baguhin mo ang pananaw mo, wag kang magtawa sapagkat sa darating na mga araw maaaring mangyari din sayo ang sakit at hirap ng kalooban na nararanasan ng magulang ng batang ito...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

perfect : )