Linggo, Mayo 22, 2011

tuwing umuulan at kapiling ka...


Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

CHORUS 1:
Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
‘Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri’y magpapaalam na oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
CHORUS 2:
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi...

4 (na) komento:

  1. at kinanta ko kahit sige sige ako sa paghabol sa tumatakbo kong ilong. hehehe

    manang era! haan me alam na transiet na ganun ang rate. but i can ask around, when are you planning po ba? ada me friend who owns a house nipapatransient ng parents nya, but they usually take in groups.. malapit sa amin un..mga 10mins to town..

    TumugonBurahin
  2. hehehe...watch mo yung video, andun ang higlight eh :)

    mahal kasi ading sa hotel nauubusan ako ng budget saka mag-isa lang naman ako tuwing umaakyat doon. last year sa loakan ako nag-stay, mura kaso layo ng nilalakad ko, tumatawid pa ko sa runway, eh pano kung masagasaan ako ng eroplano =))

    pagpasok ng ber aakyat ako...

    TumugonBurahin
  3. well, u cna stay sa house namin if you like.. may bonus pa, u get to meet my kidlets hahaha..seryus offer.. let me know :D

    TumugonBurahin

perfect : )