Sabado, Hunyo 4, 2011

Ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal... PART 3



"Dapa dapa! lagay sa ulo ang dalawang kamay! Anong nakain mo suzette at popoga ka?  Nandamay ka pa....
Nagkatinginan na lang kami ni suzette, walang imik na tumayo at naglakad papuntang admin office."Makakarating ito sa mga magulang mo era at isang buwan kang hindi makakatanggap ng dalaw." Ah leche kayo gawin nyo kung ano gusto nyong gawin! Dinala kami sa bartolina at in fairness, taliwas sa inaasahan ko ang bartolina sa kumbento, malinis, tahimik, presko at higit sa lahat walang task, kain tulog lang sa loob ng isang buwan, kapag sinuswerte ka nga naman.... 


Pero wala pang isang linggo inilabas kami at muling dinala sa admin  office, andun ang nanay ko at naroon din ang lola at daddy ni suzette na isang sikat na jockey sa sta. ana nung mga panahong yun. Kastilaloy pala ang lahi ni suzette kaya pala iba itsura niya. Paglabas namin ng office diretso na kami sa dating cottage, back to normal, tanungan ang mga kasamahan namin sa room."Ano nangyari bakit pinalabas agad kayo? Hindi rin namin alam ang dahilan...


Mga ilang araw pa ang lumipas release na si suzette, pumarada ang kotse nila sa harap ng cottage, lumabas si suzette at may kinuha sa kotse, mga pagkaing masasarap, ibinigay niya sakin lahat pati mga stock niya sa locker, ako na rin ang umokupa sa dating locker niya. Bago tuluyang umalis bumulong cya sakin "magkita tayo sa laya era, wag ka na tumakas, tapusin mo pag-aaral mo dito" iyakan kami ng konti at hanggang makalabas ng gate ay nakasilip cya sa bintana ng kotse at kumakaway sa amin. 


Lumaya na ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal...


Nag-focus ako sa pag-aaral at sa ibang mga activities sa loob ng kumbento. Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos ko sa sekondarya, at nung araw ding yun mismo ay nai-release ako at kasama na sa pag-uwi ng nanay ko, Pakiramdam ko bagong tao na ako nung mga oras na yun hanggang sa makarating kami sa bahay, may konting handa kaming pinagsaluhan at ayon sa nanay ko matagal na palang gawa ang release paper ko, hinintay lang niya ang graduation day ko.


Nag-enroll ako sa PCCR at sa paglipas ng mga araw, sa kahabaan ng carriedo ay muling nagtagpo ang landas namin ng aking kaibigang prinsesa.... Ngunit panibagong kabanata na po yun... saka na... pagkatapos ng patimpalak ni kulisap :)

2 komento:

  1. May nabuo palang pagkakaibigan.

    Anong kaso ng prinsesa at nagawi din siya sa kumbento?

    TumugonBurahin
  2. 70% ang pagkakatulad ng life story namin ni suzette, pareho kaming only child at rebelde. Pareho din ang kaso namin "DISOBEDIENCE" kaya hindi mahirap para sa amin na mai-release kahit anong oras dahil ang complainant namin ay ang mismong mga magulang namin....

    TumugonBurahin

perfect : )