Huwebes, Hulyo 7, 2011

Minsan may isang saudi boy...

Kay bilis ng panahon, tatlong taon na mula ng makilala kita. Ayaw sana kita kilalanin pero makulit ka, mula ng ibinigay sayo ng kaibigan natin ang cp number ko hindi mo na ko tinantanan, kahit oras ng trabaho kapag nalingat ang amo mong arabo tatawag ka. Madalas kasarapan ng tulog ko mang-iistorbo ka, hindi mo na inisip na alas dos ng madaling araw dito habang alas diyes naman ng gabi dyan sa kinalalagyan mo. Nuknukan ka ng kulit, kahit minumura na kita ok lang sayo parang musika pa nga sa pandinig mo kapag naiinis ako tuwang tuwa ka pa. Kapag sumasapit ang biyernes maaga pa lang nasa net ka na inaabangan moko mag-online dahil nakasara cp ko, sinasadya kong wag buksan dahil nakukulitan ako sayo. Ang lakas pa ng loob mo na invite ako sa cam hindi ka naman kagwapuhan, kahit hindi ako magsuklay lagi mong sinasabi ang ganda ganda ko na tanging nanay ko lang ang nagsasabi, ngayon dalawa na kayo. Di naman kita mapatayan ng computer kasi kapapadala mo lang sakin ng package, laman ang mga paborito kong lagi mong tinatanong noon, hindi ka pa nasiyahan nag-open ka pa ng account para sakin. Hindi kita magawang iwasan dahil ang bait bait mo, na hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa sakin ang mga ganong bagay eh hindi ka naman nanliligaw. Sa tuwing kausap kita ang madalas mo lang sinasabi ay "kamusta ka", "kumain ka na ba", "mag-iingat ka lagi era" hindi ko alam kung ano motibo mo. Ayoko isiping mahal moko kasi walong taon ang tanda ko sayo, kinikilabutan ako tuwing maiisip ko na may relasyon tayo. O baka naman sa isip ko lang yun, baka malisyosa lang ako masyado, baka naman ate lang ang turing mo sakin...

Tatlong araw bago magpasko dumating ka dito sa bahay namin, habang naiilang ako ikaw naman ay kampanteng magpaikot-ikot sa sala namin, hindi kita kinakausap kasi hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sayo, nagulat kasi ako sa biglang pagdating mo. Nakipagkwentuhan ka sa nanay ko habang niluluto ko ang dala mong ulam na binili mo sa palengke bago ka nagpunta dito. Tahimik lang ako at nakikiramdam sayo, paminsan minsan sumasagot sa mga tanong mo. Nung makaluto na ako ay kumain na tayo, nakakamay ka lang na parang walang pakialam sa mundo. habang tuwang tuwa ang nanay ko sa mga kilos mo ay nag-iisip ako... ano ba talaga meron kami ng lalaking ito?

Bisperas ng pasko dumating ka uli, ang dami dami mong dala, "pang-noche buena" sabi mo. Labag sa loob kong kunin pero andito ka na at pinaiiral mo na naman ang kakulitan mo. Bago mag-alas dose umalis ka at bumalik na naman kinabukasan, ganon lang lagi, aalis at darating ka na hindi malinaw sakin kung ano meron tayo kasi parang ordinaryo lang pakikipag-usap mo sakin, walang something... December 29,2009 bumalik ka sa jeddah, dyan ka na din nagcelebrate ng new year sa piling ng mga dating kasama sa trabaho, after that, busy ka na uli hanggang minsan nabasa ko sa fb mo may nagmessage sayo, "hi daddy" eka nung message, tinanong kita sa text kung sino yun, sagot mo "ay era asawa ko yun, sorry hindi ko nasabi agad sayo...." Nawindang ako, anlabo ng putangna!!!

5 komento:

  1. ano yun ate? adik?! ehehe, joke lang..

    sarap nia lang batukan, ang hirap namang magtanong baka masopla ka. haizt di ko din alam kung paano yan ate mas malabo pa sa ilog saudi :)

    TumugonBurahin
  2. Lian tenkyu sa pagdaan mo bunso :) Kasarap ngang hatawin ng lalaking yun =))

    Eh sino kaya ang nawalan? kalaki ng nagastos niya sakin eh sinayang niya lang, di man lang siya nakakurot. Muntik na sana mahulog ang loob ko eh sayang naman....

    TumugonBurahin
  3. Umasa ka yata Ate Era, baka kasi Ate lang ang turing sa imo day. Lels.

    TumugonBurahin
  4. Asowsss eh kung ikaw yung lalaki bakit ka gagastos ng ganon kalaki? to the point na ipagbukas mo pa ng bank account, ano motibo mo aber?

    TumugonBurahin
  5. Naging mabait lang ako. Bakit bawal na bang maging mabait sa nakakatanda sayo?

    TumugonBurahin

perfect : )