Sabado, Hunyo 4, 2011

Ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal... PART 3



"Dapa dapa! lagay sa ulo ang dalawang kamay! Anong nakain mo suzette at popoga ka?  Nandamay ka pa....
Nagkatinginan na lang kami ni suzette, walang imik na tumayo at naglakad papuntang admin office."Makakarating ito sa mga magulang mo era at isang buwan kang hindi makakatanggap ng dalaw." Ah leche kayo gawin nyo kung ano gusto nyong gawin! Dinala kami sa bartolina at in fairness, taliwas sa inaasahan ko ang bartolina sa kumbento, malinis, tahimik, presko at higit sa lahat walang task, kain tulog lang sa loob ng isang buwan, kapag sinuswerte ka nga naman.... 


Pero wala pang isang linggo inilabas kami at muling dinala sa admin  office, andun ang nanay ko at naroon din ang lola at daddy ni suzette na isang sikat na jockey sa sta. ana nung mga panahong yun. Kastilaloy pala ang lahi ni suzette kaya pala iba itsura niya. Paglabas namin ng office diretso na kami sa dating cottage, back to normal, tanungan ang mga kasamahan namin sa room."Ano nangyari bakit pinalabas agad kayo? Hindi rin namin alam ang dahilan...


Mga ilang araw pa ang lumipas release na si suzette, pumarada ang kotse nila sa harap ng cottage, lumabas si suzette at may kinuha sa kotse, mga pagkaing masasarap, ibinigay niya sakin lahat pati mga stock niya sa locker, ako na rin ang umokupa sa dating locker niya. Bago tuluyang umalis bumulong cya sakin "magkita tayo sa laya era, wag ka na tumakas, tapusin mo pag-aaral mo dito" iyakan kami ng konti at hanggang makalabas ng gate ay nakasilip cya sa bintana ng kotse at kumakaway sa amin. 


Lumaya na ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal...


Nag-focus ako sa pag-aaral at sa ibang mga activities sa loob ng kumbento. Hanggang sa dumating ang araw ng pagtatapos ko sa sekondarya, at nung araw ding yun mismo ay nai-release ako at kasama na sa pag-uwi ng nanay ko, Pakiramdam ko bagong tao na ako nung mga oras na yun hanggang sa makarating kami sa bahay, may konting handa kaming pinagsaluhan at ayon sa nanay ko matagal na palang gawa ang release paper ko, hinintay lang niya ang graduation day ko.


Nag-enroll ako sa PCCR at sa paglipas ng mga araw, sa kahabaan ng carriedo ay muling nagtagpo ang landas namin ng aking kaibigang prinsesa.... Ngunit panibagong kabanata na po yun... saka na... pagkatapos ng patimpalak ni kulisap :)

Huwebes, Hunyo 2, 2011

Ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal... PART 2

Tangna nakakahilo, pagkagising rosaryo agad, di man lang  muna kami pinagkape...hayyy salamat natapos din ang ika-limang misteryo, diretso na sa kitchen, bawal umupo agad, kailangan mo munang maghugas ng kamay. Magdadasal na naman... peste! ako pa naatasang mag-lead sa dasal eh anong malay ko naman. Hindi raw kami pwedeng kumain hangga't di nagdarasal, masama na ang tingin sakin ng mga kasamahan ko dahil sila man ay hilo na rin siguro sa gutom. "Panginoon maraming salamat po sa almusal, amen." Hagikgikan ang mga kasamahan ko. "Ikaw uli ang magli-lead mamaya at hindi ganyan ang tamang pagdarasal, dapat ay taimtim at taos sa puso ang iyong pasasalamat." Bahala ka sa buhay mo, wala ako panahon sa litanya mo...May mga nakatoka sa house keeping, wala pa akong assignment, salamat naman, matutulog uli ako. Ngunit hindi pala dapat ganon...


"Era kumuha ka ng piko sa bodega at sisimulan mo ngayong araw na ito ang iyong hard labor, isang buwan kang gagawa ng balon." Tangina talagaaa...buti pa sa city jail masarap ang buhay ko, di tulad dito de numero lahat ng kilos ko, ultimo pag-gamit ng cr may oras. Hindi ko kaya... kailangan makagawa ako ng paraan. Alas nuebe ng gabi nasa kwarto na ang lahat, patay ng lahat ang mga ilaw, ang bombilyang nasa poste sa labas ang tanging nagbibigay ng liwanag sa kwartong apat kaming umoukupa. Di ko alam kung tulog na yung dalawa o nakikiramdam. Gising pa si suzette, "yosi gusto mo?" pabulong... kumuha ako ng isa at nagsindi, nag-usap kami sa pamamagitan ng bulungan at senyasan at nung gabing yun, nabuo ang isang pagkakaibigan. Dalawang taon na si suzette sa lugar na yun, pinagkakatiwalaan ng magbigay ng task sa mga inmate. Maganda cya, maamo ang mukha, blondie ang buhok, maganda ang kutis maliban sa braso na puro peklat na bunga ng paglalaslas. Kinabukasan ganon na naman, sa araw araw na ginawa ng diyos ganon lagi ang routine namin na nakasanayan ko na rin. At sa pamamagitan ni suzette, nairerekomenda niya ako sa mga magagaang ngunit mahahalagang gawain, natapos ko na rin ang hard labor ko at nakakakilos na ako ng maayos. Tuwing linggo may dumarating na charismatic group upang magturo ng piano, guitar at mga kantang inaawit kapag may misa, doon ko na rin itinuloy ang pag-aaral ko kapalit ng donasyon na ibinibigay ng magulang ko. Nalibang ako at naging aktibo, wala akong pinalalampas na event, singing contest, dance contest at sport tournament, lahat yan sinalihan ko, itinatabi ko ang mga premyo at award na natatanggap ko at ipinapadala ko sa nanay ko sa tuwing dinadalaw ako. 


Bagamat nalilibang ako ay di pa rin mawala sa isip ko ang kagustuhang makalabas at muling malanghap ang hangin sa laya. Nababasa pala ni suzette ang nasa isip ko... pareho pala kami lagi ng iniisip... 


Natoka kaming gumawa ng pandesal para sa agahan kinabukasan, pareho kaming naka-rubber shoes nung gabing yun, nakahanda sa habulang magaganap kung sakali man. Ala-una na ng madaling araw, tapos na kaming magmasa, naghihilik na rin si sister anette sa upuan niya. Sumenyas si suzette, dahan dahan kaming lumabas sa store room, binaybay namin ang pathwalk papunta sa main gate... Madilim ang paligid, maliksing kumilos si suzette, malapit na kami sa gate, konti na lang... BANG!

Martes, Mayo 24, 2011

Ang prinsesa sa likod ng rehas na bakal... PART I



Dekada '80, unang taon ko sa sekondarya, nabiktima ako ng mga uring mapanlinlang. Palibhasa'y hubad pa ang aking kamalayan, ang tanging nasa isip ko lang noon ay masaya ako kapag kasama sila. Tatlo hanggang apat na taon ang agwat ng edad namin na hindi halata dahil lumaki akong sagana sa bitamina, nagmumukha silang bonzai kapag kasama ako. Maliliit ang mga sukat ngunit malawak ang mga kaalaman sa panlalamang at panlilinlang. Madalas sagot ko ang lahat at bilang kapalit mistula akong prinsesa nila, tagabitbit ng aking mga dala at nauutusan kapag meron akong kailangan. Hindi ako masaling ng mga kalabang grupo dahil handa silang ipagtanggol ako kung kinakailangan. Walang kamalay malay ang aking mga magulang, napakarami ko na palang alam. Marunong na akong magpadugo ng ulo, marunong na akong magbukas ng kotse ng iba, napakagaling ko na ring magtago ng mga alahas na nanggaling sa mga biktimang tsino na pakalat kalat sa bisinidad ng binondo. Ang dami na... ang dami dami ko ng nalalaman....


Hatinggabi... sa isang sulok ng divisoria, huminto ang isang sasakyan... pamilyar na sasakyan... sasakyang malayo pa lang ay kinatatakutan na at agad magpupulasan... "Si Soriano!" ngunit wala akong balak tumakbo sapagkat inagaw ang atensyon ko ng isang pamilyar na anino na nasa loob ng sasakyan. "Sorry ma" ang tanging nasambit ko... nakatingin lang sakin ang nanay ko, hindi nagsasalita ngunit ramdam ko lahat ang mga hinanakit niya nung mga oras na yun. Namalayan ko na lang nasa presinto dos na kami, ipinahuli ako ng pinakamamahal kong ina.


Mabilis ang mga pangyayari, kinabukasan nasa manila city jail na kami, kausap ng nanay ko si Alfredo Lim na noon ay major pa lamang at kasalukuyang warden ng piitan. Ipinagbilin ako ni major lim kay mommy erlana na kasalukuyang mayora ng female section, napakaganda niya, parang si imelda marcos. Malumanay kung magsalita ngunit malupit sa mga inmate na magkakasala at lalabag sa mga alituntuning pinaiiral niya.


Bago sa paningin ko ang lahat ng mga nakikita ko, natatakot ako sa lugar na to, bagamat walang pwedeng gumalaw sakin ay naroon ang lahat ng pagsisisi, napaluha ako, hindi ako makatulog, hindi ko makain ang pagkain na ibinibigay nila sakin, Kinabukasan dumating ang nanay ko..."ilabas mo na ko dito ma ayoko dito" habang lumuluhang sabi ko. "kasalanan mo yan at saka hindi ganon kabilis ang proseso, mabuti na rin yan para magtanda ka, mas matatahimik ang isip ko kesa naman nasa labas ka."


Magtatatlong buwan na pala ako sa lugar na to... "era may vista ka! " sigaw ng kulturera, "Uy lalaya ka na pala, magpapakabait ka ha" sabi nung isang inmate. Salamat naman lalaya na pala ako pagkatapos ng vista ko, masaya akong nagbihis at pumunta sa warden office, sa bukod na sasakyan ako sasakay, walang escort at walang posas na gaya nung ibang inmate na nasa bus na bibistahan din sa araw na yun...


Nagkamali ako sa akala ko, na inaakala rin ng lahat na paglaya ko sa araw na yun. "SUSPENDED SENTENCE" ang hatol sakin ng judge at isang buwang hard labor sa piling ng mga madre. Nagngingitngit ang kalooban ko ng mga oras na yun, nagsisimulang magrebelde ang utak ko. Ang mahal kong ina nakatingin lang sakin habang kausap ng babaeng judge. Paglabas ko ng korte, sa ibang sasakyan na ako isinakay at nakita kong tangan ng isang madre ang gamit ko na ipinabibigay daw ng mahal kong nanay. Lumingon ako sa labas ng bintana, nakatingin lang cya sakin, walang mababanaag na emosyon, tahimik lang ako at nagsimula na kaming bumiyahe patungo sa lugar ng mga madre.
Kinabukasan nagising ako sa kalembang ng kampana... 'Hoy bumangon ka na jan at mag-ayos ka na ng sarili mo, pagagalitan ka ni sister kapag mabagal kang kumilos, bilisan mo magrorosaryo tayo, ganito talaga dito sanayin mo na ang sarili mo" sabi ng aking kasama sa kwarto. 


"Hail mary full of grace, the lord is with you, Blessed are you among women and blessed is the fruit of thy womb jesus... Holy mary mother of god pray for us sinners, now and at the hour of our dead..."

Lunes, Mayo 23, 2011




No matter what the problem
I'm here to hold your hand
Reaching out with kindness
You know I'll understand

In life we all have problems
It seems to be that way
We laugh and cry together
Our hearts will rule the day

You have always been there
In this very special way
In just one fleeting moment
Life's kindness heart's bouquet

Friendship has great meaning
When shared so graciously
Together now my sweet friend
We're healing constantly

In life we need each other
The love is always there
Friends in life forever
Perhaps in silent prayer

Burdens in life many
Tears in life will fall
When the world seems empty
Our shadows standing tall.

Linggo, Mayo 22, 2011

tuwing umuulan at kapiling ka...


Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda
Kasabay ng hanging kumakanta
Maaari bang huwag ka nang
Sa piling ko’y lumisan pa
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na

CHORUS 1:
Buhos na ulan aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo
‘Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw ri’y magpapaalam na oh
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi
CHORUS 2:
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko’y umaapaw
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maaari bang minsan pa
Mahagkan ka’t maiduyan pa
Sa tubig at ulan lamang ang saksi...

Sabado, Mayo 21, 2011

KAHALAYANG MALAYA

Kamakailan lamang ako natutong mag-blog, ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga ipinupost ko at kung ako nga ba'y may karapatan na tawaging blogger, kumbaga sa nag-aaral, ako ay nasa kinder pa lamang, ni hindi ko nga alam kung ano ba ibig sabihin ng URL at HTML, grabeng katangahan pero yun ang totoo. Tumipa lang talaga ang alam ko, mag-ym at mag-fb. Maliban sa 1 to 0 at A to Z hindi ko na alam kung ano-ano ba yung mga iba pang naririto sa keyboard ko. Ngunit sadyang ang buhay ay walang humpay na pag-aaral, sinaliksik ko kung ano ba meron ang gugels hanggang sa may na-klik akong isang blog na kinaaliwan ko namang basahin hanggang sa kung kani-kaninong blog na ako nakarating. Sabi ko sa sarili ko "ganito lang pala ang blog parang diary in public, para ka lang palang nakikipagkwentuhan, parang gumagawa ka lang ng documentary report", may masayang blog, may malungkot, may nambabatikos , may mga makabayan, may tungkol sa pagkain at karamihan ng mga nabasa ko puro may mga halong kalibugan. "Ibang klase" kako, pwede rin pala ako gumawa ng site ko, ala-margarita holmes ang dating, mga ganon ba... Isip uli ako, ano kaya magandang title? "erotika", "eratika", "era erotika" ano kaya? Napagdesisyunan kong eratika na lang eh kaso nung inaapply ko na bilang pangalan ng site ko ayaw namang tanggapin, napapagod na daliri ko hanggang sa mapunta ako sa eratikatik, hmmm... pwede na yan para tunog tiktik. Ayuz nakagawa na ko, problema na lang kung ano ba magandang topic, wala naman akong maisip, ahh alam ko na... magbibigay na nga lang muna ko ng tip para sa personal hygiene. Bukod doon at sa dalawang blog na kaemohan at isang maigsing joke ay di na nasundan, balik fb uli ako...
Pero hindi talaga ako mapakali , para akong hinahatak sa mundo ng blogsperyo, hindi ko maintindihan dahil wala naman ako maisip na i-post  Nakuntento na lamang ako sa pagbabasa ng blog ng iba hanggang mapasok ko ang site ni jkulisap. Marahil ay lukso ng dugo sa kapwa insekto, naaliw akong basahin ang mga blog niya kasi bukod sa tagalog eh may isinisingit pang humour (kadalasan toilet humour brrrr ), sinusuyod ng mata ko ang kuta ni kulisap mula sa simula pababa, na halos di ko na maaninag dahil sa dami ng mga paniking lumilipad, pinag-aaralan kong maige eh natanaw ko ang logo ng fb, aba kako  marunong din pala mag-fb ang mga kulisap hehehe...ni-add ko, ni-accept ako, friends na kami, tambay na ko lagi sa site niya na parang sikyu gaya ni joey velunta. Sabi ni kulisap bat di ko daw ituloy ang pagba-blog, hayun nahikayat naman niya ako, "SALAMAT POW!!! Wala cyang kamalay malay na ako ay dati ring insekto, isa akong bubuyog noon, hayan ang piktyur ko o pagmasdan nyo hehehe... Kailan lang inalis ang sumpa sakin at muli akong ibinalik sa pagiging tao...


At dahil nga sa nahihiya ako at hindi masyadong excited sa pagtipa, halos everyday may post ako, walang kagana gana... Kung ano maisip tinitipa ko agad at itinatabi sa draft. Sa kaiikot ko sa iba't ibang site napagtanto ko na karamihan sa mga blog ay hindi nawawala kahit munting kahalayan. may lalabas at lalabas kahit papaano, kumbaga sa pagkain eh ginagawang pampalasa, hindi nga naman boring kapag binasa. Ito ba yung tinatawag na malayang pamamahayag o kahalayang malaya? just asking... :)

Biyernes, Mayo 20, 2011

POLYGAMOUS by nature daw???



Polygamous by nature daw ang mga lalaki? hmmm... Yung iba naman pinangangatawanan na lang ang salitang yan eh dahil nakakadagdag daw ng pagkalalaki. Datapwat may mga pangangailangan at kahinaan ang mga lalaki na sa ayaw at sa gusto nating mga babae ay dapat nating intindihin. Maraming dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga lalaki sa hindi nila asawa/gf. Una na ang pisikal na pangangailangan, mas mataas kasi ang libido ng mga lalaki kaya pag nakakakita sila ng mga babaeng sexy ay agad nilang pinapantasya kesehodang nasa jeep pa sila o ano man ang pinagkakaabalahan. lalo na kapag nakakita sila ng naghihimutok na cleavage naku po... Ikalawa kapag naririndi na sa asawang bungangera na eh ubod pa ng selosa, katwiran eh tutal pinagbibintangan na eh di gawin na...ayuz no! Ikatlo ay mga hindi sinasadyang pagkakataon tulad ng nabuyo lang ng kaopisina or nasalubong yung dating karelasyon nung cya ay binata pa. Ika-apat, mga lalaking galante na handang gumastos para sa kanilang "sexual urges". 


Ngunit ano pa man ang sabihin, may mga lalaki pa rin namang solid sa asawa. Mas gusto pa rin nilang makasama sa pagtanda ang babaeng pinakasalan nila. In fairness... (baka isipin ng mga kalalakihan inaapi ko sila) Gaano man ang pagkahilig nila sa laman eh marunong naman sila magmahal. Gaano man ka-playboy ang lalaki ay meron ding namumukod tangi para sa kanila at yun yung nasa puso nila, yung iba hanggang puson lang, pag nailabas na nila wala lang, parang umihi lang. Ang pambababae nila ay parte lang "daw" ng kanilang learning sexperience at ego expression. Para sa kanila ang pambababae ay past time lamang, parang komiks lang... tsk tsk tsk...

Kaya nga sa mag-asawa kapag kinutuban si babae o may nakitang kakaibang bakas kay mister, kahit ano pa gawin ni misis hinding hindi umaamin si mister, kasi nga mahal niya ang misis niya. Sa mag-boyfriend ganon din, habang binata pa kasi ay tiyak na magpapakasawa yan erect dito erect dun, later on select naman.



In the end babae pa rin ang talo, lalo na ang babaeng nagmahal sa maling pagkakataon. Bakit kaya di natin baliktarin ang sitwasyon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng lalaking niloloko o kaya sabihin din nating "ay wala yan past time ko lang yun, ikaw naman ang totoong mahal ko eh" ang sagwa di ba? Lalo na sa kulturang pinoy, pag ang lalaki ang nambabae ok lang walang kaso, lalaki yan eh walang mawawala pero pag ang babae na ang nanloko, ano impact? ikinahihiya ng pamilya dahil malandi daw, bagamundo, makati, etcetera, may kasama pang bugbog. Wala...sadyang talo talaga...


Ngunit...subalit... hindi naman lahat ng lalaki ay ganon kalupit, depende rin kasi yan sa kinamulatan, sa breeding, sa lifestyle, sa karakter at sa edad. Syempre pag bata pa medyo mapusok kumpara sa matured na, kumbaga kaya na magkontrol ng sarili o kaya ay nagsawa na o namimili na. Kapag nagkakaedad na kasi sila ay nag-iiba na rin ang pamantayan nila pagdating sa sex or nababawasan na ang horse power ni manoy...


Narito ang age bracket para sa mga kalalakihan...


teen to 21- nag-eexperiment pa lang sa sex
22 to 30 -- kainitan/katakawan sa sex
31 to 40 -- mga naliligaw ng landas dahil sa pressure sa problema sa   
                  pamilya kaya naghahanap ng outlet 
41 to 50 -- certified member ng sosyology inc.
51 to 60 -- status symbol na lang (masabi lang na kaya pa)
61 to 70 -- dedo na o kaya naistrok


Huni nung lalaking insekto , pantay daw ang kahalagahan ng babae at lalaki sa mundo. Ano? Sa kama pantay oo pero ang pantay na kahalagahan eh asan? Pantay ba naman yung magba-butterfly kayo at dadapo sa kung saan saang bulaklak? sowwwws nya iroy....