Sabado, Mayo 14, 2011

OB-GYNE student (OJT) sa EAST AVE. MED. CENTER finger dito finger dun...

Yan ba turo sa inyo ng professor nyo, ang mamingger ng mamingger ng mga babaeng pasyente?


April 27,2011 bumalik ang kaibigan ko sa EAMC para dalhin ang resulta ng ultra sounds. Bumiyahe ng madaling araw mula san jose del monte bulacan makarating lang ng maaga sa ospital. Pagdating niya number 4 cya sa pila, hanggang sa dumami na sila. Mula ala sais ng umaga naghintay cya hanggang ala una, sa wakas natawag rin ang pangalan niya. Positive ang resulta, may myoma cya. Maya maya pa may pumasok na anim na inakala niyang mga doktor nung una. Salitan ang anim na "doktor" sa pag-fingger sa kanya, masakit na ang bahaging yun ng katawan niya pero di niya magawang magreklamo dahil gusto niyang gumaling, inaakala niyang  normal na proseso lang yun at bahagi ng check up sa kanya. Alas kwatro ng hapon sinabi sa kanyang i-aadmit cya dahil kulang daw cya sa dugo, kailangan niyang masalinan sa lalong madaling panahon pero ang siste, sa pasay pa daw mabibili ang dugong isasalin sa kanya. Wala naman cyang kasama ng mga oras na yun dahil di naman niya alam na ganon ang magiging sitwasyon. 


Nagtaka ako base sa kwento niya, naisip ko.... nalalaman na pala ngayon sa pamamagitan ng pag-finger kung kulang sa dugo ang isang pasyente... ibang klase.... may bagong paraan na pala ngayon ng pagbi-BP... pusang inesss!!!


Alas syete ng gabi wala na yung anim na pumingger sa kanya, may mga sumisilip at lumalapit sa kanya na hindi niya malaman kung sino ang totoong doktor at kung sino ang estudyante, mga bagong mukha na, nagpalit na siguro ng shift...Nag-alala cya baka dalirutin na naman cya ng mga bagong mukha na yun, tumayo na cya at nagbihis, dire diretsong lumabas at nagmamadaling lumayo sa ospital. Na-trauma ang pobre, sumumpa sa sariling hindi na uli babalik pa sa nasabing ospital.


Kinaumagahan nagising cyang masakit ang puson at hirap umihi, binalisawsaw ang kawawa kong kaibigan. Nagpunta cya sa center para humingi ng gamot, nagpa-BP na rin... ang resulta 120 / 90, normal at hindi kulang...


Actually dyan sa ospital na yan ko ipinanganak ang aking unica iha maraming taon na ang nakalipas. Hindi dahil sa kakapusan kundi dahil espesyal ang kaso ko, mula sa V. Luna Hospital ay itinakbo ako sa EAMC dahil lalabas na ang anak ko at kakailanganin niya ng incubator. Kapag nasa ospital ka di mo malalaman kung sino ang doktor at kung sino ang estudyante dahil halos isa lang ang kulay ng uniporme. Naka-encounter din ako ng isang bastos na ob-gyne na kung di lang ako nakapagpigil eh baka nasipa ko sa mukha...


Bagamat may mga matitinong nurse at doktor na maganda ang trato sa pasyente, meron ding bastos at walang respeto sa karapatang pantao. Ganito ba talaga ang kalakaran sa mga pampublikong ospital? Kaya nga tayo may pagamutan para sa mga mahihirap na pilipino na minalas lang magkasakit eh matatapat pa sa mga estudyanteng wala namang modo , na nagsasamantala lang sa mistulang baboy na pasyente, Dobleng pahirap pa tuloy ang naranasan ng kawawa kong kaibigan, Hirap ng bulsa at kaisipan dahil sa sakit na natuklasan at hirap ng kalooban dahil sa masamang karanasan...

2 komento:

  1. Your thoughts are indeed substantial. I enjoyed reading every bit of it.

    TumugonBurahin
  2. tama ka diyan..hayop ang mga doktor sa east ave,

    TumugonBurahin

perfect : )