Minsan sa isang "imaginary session" nakaharap ko si inday, nakow kalakas uminom ng hitad, kabilis tumagay eh! Kapag yun ang kainuman mo tiyak na magrireklamo ang bahay alak mo dahil wala pang sampung minuto lango ka na. Kalakas pang mamulutan hehehe... Tanong niya sakin nung may tama na..."erakoy balita ko blogger ka na? blog mo naman love story ko hik! ewan ko ba bakit di ko makalimutan ang pers lab ko hik! Eh pano mo kako makakalimutan, sukat ipalilok mo sa puso mo yung kumag na yun."
Isip isip isip... wala.. talagang ayaw gumana ng kaisipan ko, eh pano naman di ko naman naranasan magkaron ng pers lab kaya wala ako idea kung ano ba pakiramdam nun... subukan ko na lang kaya itula...
Ang tange kong pag-ibig.....
Sa tuwing ako'y nag-iisa
Ikaw ang laging naaalala
Mga pangarap noon na kay ganda
Bakit biglang naglaho na...
Kapag mata ay nakapikit
Ikaw ang tanging naiisip
Hanggang sa aking pag-idlip
Ikaw ang laging panaginip...
Nawala man ang yakap
Na dati ay kay higpit
Nawala man ang halik
Na dati ay kay init...
Hinding hindi ko ipagpapalit
Pag-ibig ko sayo kahit saglit
Lahat ng iniwan mong alaala
Buong buhay ay siyang kasama...
Naaalala mo pa ba dudung
Noong tayo ay high school pa
Madalas nating baybayin
Ang recto at morayta
Kinakain ko ay donut
Habang sayo naman ay choknut
Puso ko'y anong galak
Kahit wala man lang panulak
Anong saya anong ligaya
Kapag ikaw ang siyang kasama
Tunay ngang mahal kita
At wala ng hahanapin pa
Ngunit tadhana ay nagbiro
Tayong dalawa'y pinaglayo
At ng muling pinagtagpo
Tigidig tigidig eka ng puso...
Salamat sayo facebook
Sa talas ng iyong gulok
Ako at ang dating kasuyo
Sa iyo muling nagpanagpo...
"It's just that i recall somethin i was small, someone promises they catch me
and then they let me fall and now i'm fallin, fallin fast again
why do i always take a chance when i fall in love.....
Isip isip isip... wala.. talagang ayaw gumana ng kaisipan ko, eh pano naman di ko naman naranasan magkaron ng pers lab kaya wala ako idea kung ano ba pakiramdam nun... subukan ko na lang kaya itula...
Ang tange kong pag-ibig.....
Sa tuwing ako'y nag-iisa
Ikaw ang laging naaalala
Mga pangarap noon na kay ganda
Bakit biglang naglaho na...
Kapag mata ay nakapikit
Ikaw ang tanging naiisip
Hanggang sa aking pag-idlip
Ikaw ang laging panaginip...
Nawala man ang yakap
Na dati ay kay higpit
Nawala man ang halik
Na dati ay kay init...
Hinding hindi ko ipagpapalit
Pag-ibig ko sayo kahit saglit
Lahat ng iniwan mong alaala
Buong buhay ay siyang kasama...
Naaalala mo pa ba dudung
Noong tayo ay high school pa
Madalas nating baybayin
Ang recto at morayta
Kinakain ko ay donut
Habang sayo naman ay choknut
Puso ko'y anong galak
Kahit wala man lang panulak
Anong saya anong ligaya
Kapag ikaw ang siyang kasama
Tunay ngang mahal kita
At wala ng hahanapin pa
Ngunit tadhana ay nagbiro
Tayong dalawa'y pinaglayo
At ng muling pinagtagpo
Tigidig tigidig eka ng puso...
Salamat sayo facebook
Sa talas ng iyong gulok
Ako at ang dating kasuyo
Sa iyo muling nagpanagpo...
"It's just that i recall somethin i was small, someone promises they catch me
and then they let me fall and now i'm fallin, fallin fast again
why do i always take a chance when i fall in love.....
Pag-ibig daw ang pinakamalakas na emosyon ng isang tao, madalas mas marami tayong nagagawang mga bagay ng dahil lang sa pag-ibig, sabi nga eh "hahamakin ang lahat masunod ka lamang" ngunit hindi ito basta basta na lamang kinukuha o ibinibigay, nangangailangan din ito ng tiyaga. Ang totoong pagmamahal ay hindi nasusukat sa kung ano ang meron ka at ang tunay na pag-ibig ay hindi namimili kung sino ang karapat dapat...
Ang emosyong nakapaloob sa pag-ibig ay isang sining para sa akin.
TumugonBurahinMarahil tama ka na may mga baga tayong ginagawa dahil sa pag-ibig, mali man o tama, basta pag-ibig ang dahilan.
Sabi nila, first love never dies.
Marahil nga...pero kayang talunin ito ng kasalukuyan, ng darating pa hanggang sa mahimbing na ang pag-ibig sa iisa na lamang.
:)
I heart your poem. :)
Umaayon ako sa sinabi ni J. Kulisap.
TumugonBurahinWalang duda na ang first love never dies...ngunit hindi rin ito nangangahulugan na dito na lamang iinog ang mundo mo hanggang sa wakas.
Live and Let Love!..;-)